Erich Gonzales at Enchong Dee, ‘di raw sila pero super-close sa isa’t isa!

MARAMI RIN ANG nagsasabing kaechusahan ang mga kaeklatan nina Erich Gonzales at Enchong Dee. Pero, talagang super-close ang dalawa. Hindi na pinag-uusapan si Ejay Falcon para lang painitin ang tambalan nila ni Erich, at mas importante nga naman na may nakikitang mas positibo kina Enchong at Erich para sakyan ng masa, kaysa ‘yung ipagpilitan ang Ejay-Erich na nabahiran na ng pagkairita sa isa’t isa kahit sabihin pang nagtatrabaho rin naman sila nang matino.

Pa-mysterious pa rin ang epek nitong si Erich. Kesyo wala pa siyang boyfriend. Talagang nakatutok lang sila ni Enchong sa teleseryeng Tanging Yaman at sa kanila talaga umiikot ang kuwento rito. ‘Yung ibang guys naman na inili-link sa kanya ay dinededma na lang niya.

Nabubura ang ibang guys na inili-link kay Erich. Una, si Ejay. Pangalawa, si Xian Lim na parang bigla na lang nawala. Maski naman daw sila ni Enchong ay friends lang, at wala na siyang magagawa kung kaechusahan man itong hindi matanggap ng marami sa showbiz, o may nagpipilit pa rin na may katotohanang sila na nga.

PAREHONG SINGLE SA ngayon sina Martin Nievera at Pops Fernandez. Marami tuloy ang nagsasabing baka sa Valentine concert nilang One A-More Time na gaganapin sa February 13 sa SMX Convention Center, mas magiging pisikal sila sa isa’t isa. Last year, nang mag-reunite sila for a concert, si Pops ay attached pa kay Jomari Yllana na siyang nag-produce pa ng controversial concert nilang Missing You.

This time, mas malaya nga naman nilang magagawa ang gusto nila sa stage. Pero, ayon kay Martin, mahirap basta asahan ang ganoon. Sila naman ni Pops ay hindi predictable ang pupuwedeng magawa on stage kapag nagsasama sa concert. Ito nga ang magic ng kanilang tambalan.

“Probably, more hugging,” natatawang sabi naman ni Pops. Sey naman ni Martin, “Mukhang mas matindi ang emotions. Our affection to each other is very natural naman. Mahirap mag-fake sa harap ng maraming tao.

Mas mabuting hintayin na lang ang concert at panoorin dahil tiyak na marami itong sorpresa malaki sa followers ng Concert King and Queen.

May mga manghuhula namang nagsasabing kahit ano pa ang gawin ng iba, magkarelasyon man sila sa iba, mukhang babalik at babalik sila sa isa’t isa. Soulmates daw talaga ang dalawa.

“Really? Do you believe ba in these things?” Tawa ni Martin.

“I believe in that. Kasi, naroroon pa rin ang magic,” pag-amin ni Pops.
‘Yun na nga ang makapagpapaliwanag din siguro sa magnetong taglay sa masa ng Martin-Pops tandem. Talagang marami ang naniniwalang sila pa rin talaga sa bandang huli, gaya sa isang fairy tale. ‘Pag nagsasama sila sa isang concert, inaabangan itong parang pelikula dahil laging may kuwento. At sa bawat pagkakataon, may mga pangyayaring puwede talagang abangan at maging malaking kontrobersiya.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

9 thoughts on “Erich Gonzales at Enchong Dee, ‘di raw sila pero super-close sa isa’t isa!

  1. mas love ko pa din si Ejay for Erich.. peo “PEDE” na pagtyagaan si Enchong, kahit, mas maganda si enchong kung humaba-haba lng ang hair niya.. Nakakalungkot lng tlga dahil wla mxadong litanya si Ejay sa Tanging Yaman, nagmumukha lng tlga siang xtra. Haiii

    • Hindi ko siya sinisiraan. I’m stating the fact. Porke’t nag hit lang ang teleserye niya nakalimutan na siya kung saan siya nanggaling. Ayaw ng gumamit ng damit na hindi signature. Halerr! Ordinaryong tao lang siya dati. At kung hindi dahil sa mga leading man niya sa katorse and tanging yaman hindi pa rin siya sikat ngayon!

  2. MALDITA kasi yang si Erich. Ang laki na ng ulo nung sumikat. GRABEH! Feeling niya lahat ng lalaki magugustuhan siya! YUCK!

  3. eh kc ambisyoso c ejay c kc conception type dyoskechhhhhhhhhhh kung c piolo nga di pa sinasagot ni kc ,,pahirapan pa sya paaaa…

Leave a Reply

Your email address will not be published.