Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, pera ang dahilan ng break-up?

Hindi third party ang dahilan ng problema nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales. Ito ang kumpirmasyon ng binata sa kanyang social media account.

Erich Gonzales and Daniel Matsunaga

May nag-PM sa amin at sinasabing “pera” umano ang dahilan.

Ano kaya ang ibig sabihin ng nag-PM sa amin at may usaping pera sa hiwalayan ng dalawa? Kung tampuhang purorot lang ito, hindi magde-delete ang dalaga ng photos nila ni Daniel sa kangyang social media accounts.

Lumalala ang sunog. Hangga’t hindi isinasara ng dalawa ang mga kuwento at haka-haka sa hiwalayan nila, lalo lang lalaki ang usapin na pareho nilang pagsisisihan.

Sayang, akala ko nga kasalan na ang kasunod ng Mt. Ulap adventure nila last December.

Sa katunayan, ang DanRich fans pinupukpuk na ang kanilang social media accounts ng mga katanungan at kumpirmasyon, pero kahit sino sa kanila, ni isa ay ayaw magsalita.

Matanong nga si Heart Evangelista (ex-girlfriend ni Daniel na asawa na ngayon ni Sen. Francis Escudero) kung may alam siya sa isyung “pera” na siyang kumakalat ngayon na rason kaya naghiwalay ang magsing-irog. Sayang…

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

4 thoughts on “Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, pera ang dahilan ng break-up?

  1. E ano ba pakialam nyo kung pera man o hindi ang dahilan. Hindi ang buhay nyo pagsumikapan nyong umunlad at hndi pulos tsismis ang inaatupag nyo.

    • e ikaw? ano pakialam mo? bakit mo pa binabasa itong article na ito? hypocrite! manenermon ka jan, binabasa mo naman. e di tsimis din ang inaatupag mo. bopols!

  2. baka may access si daniel sa bank ni erich at winaldas ang pera niya or may joint account silang dalawa.. wini-withraw kaya ni daniel para ipadala sa brazil, ay ewan! heheheh

Leave a Reply

Your email address will not be published.