Erich Gonzales, answered prayer daw ang non-showbiz bf

SA NAKARAANG Bida Kapamilya feeding program na pinangunhanan ni Ms. Cory Vidanes at ng Star Magic, nakausap namin si Erich Gonzales kung saan klinaro uli ng aktres na walang katotohanan ang mga lumabas na balita noon na engaged na sila ng non-showbiz boyfriend.

Ang pinagmulan ng isyu ay nang mag-guest si Erich sa Kris TV at nagsalita si Kris Aquino na ang suot-suot daw na singsing ng aktres ay ang engagement ring nila ng non-showbiz boyfriend at ‘di nag-confirm o nag-deny si Erich kaya inisip ng iba na baka may katotohanan ang nabanggit ng actress/TV host.

Nagsuhestiyon si Erich na sana ay ‘di pangunahan ng ibang tao ang mga mangyayari dahil nakakahiya sa pamilya ng non-showbiz na kasintahan niya at ng kanyang pamilya. Naikuwento niya sa amin na nabanggit niya ito sa boyfriend at natawa na lamang lalo’t wala pala siyang inililihim dito.

Tinanong din namin kung ‘di ba nagiging isyu sa kanila ang kawalan ng oras lalo’t ‘pag hectic ang sked ng isang artista, pinuri ni Erich na buo ang suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang boyfriend pagdating sa kanyang trabaho.

Napag-usapan din kung nakita na ba niya sa kasintahan ang lalaking puwede niyang makatuluyan, bukas sa reyalidad ang sagot sa amin ni Erich na mahirap magsalita nang tapos, pero ang kanyang boyfriend ay isang answered prayer niya sa Diyos.

Matagal-tagal ding ‘di napanood sa telebisyon kung saan huling napanood sa Maria la del Barrio kapareha si Enchong Dee, masayang ibinalita sa amin ni Erich na kasama siya sa action/fantasy seryeng Juan Dela Cruz, kung saan makakapareha niya si Coco Martin. Isang aswang hunter ang role niya rito, excited ang aktres na makatrabaho muli ang tinuturing niya na isa sa pinakamagaling na aktor sa kasaluyan kung saan huli silang nagkasama sa isang indie film.

Uuwi sa Davao sa darating na Kapaskuhan kung saan makakapilling ni Erich ang kanyang pamilya na mataga-tagal na niyang ‘di nakakasama dahil sa mga proyektong ginagawa.

 

SA NASABING feeding event din ay nakausap namin si Piolo Pascual kung saan agad ay nagbigay-pahayag ang aktor na wala siyang nararamdamang anumang negatibong damdamin sa kasikatang tinatamasa sa ngayon ni Coco Martin.

Ayon sa aktor, masaya siya sa tagumpay ng kapwa aktor kung saan kaibigan ang turing niya rito. Bukas din ang komunikasyon nilang dalawa kung saan mataas ang respeto ni Piolo sa talento at dedikasyon ni Coco sa kanyang trabaho.

Sa ngayon ay abala si Piolo sa shooting ng pelikulang On The Job kasama sina Gerald Anderson at Rayver Cruz at sa seryeng Apoy sa Dagat, kung saan makakasama naman niya sina Angelica Panganiban at Diether Ocampo. Sa kabila ng busy isked ni Piolo ay ‘di pa rin nakalilimot ito na maglaan ng oras sa Panginoon, kung saan lagi niyang sinasabi na ito ang kanyang kinakapitan kung kaya’t kahit anong intriga at pagsubok na pinagdaaraan ay nalalagpasan ang mga ito.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

18 thoughts on “Erich Gonzales, answered prayer daw ang non-showbiz bf

  1. may isa dito like na like niya talaga si Erika….galit na galit “Spell AMPALAYA “laos daw?nakakatawa ka naman iha.ang dami  blessing na ibinigay para sa kanya kasi naman hindi mayabang at maarte di kagaya sa mga idol ninyo na walang talent.Erich na umaangat ngayon kahit ano pang pilit ninyong paangatin ang mga idol ninyo WALEY parin walang K.

  2. Mabait at matulungin kang tao at super love mo ang Pamilya mo,kaya binibigyan ka ni Lord ng maraming swerte sa buhay.we love you Erich :)

  3. Napakabait na bata ni Erich kaya malapit sa kanya ang grasya. Kung malapit sa kanya ang grasya at nakatagpo man siya ng pinakamayaman dahil yon ang hulog ng panginoong Diyos sa kanya.Tama naman siya na non show-biz ang kunin niya dahil sa show-bizz magulo.

  4. APO BA NAMAN NI HENRY SY ANG BF NYA EH NATURAL BLESSING TALAGA PARA KE ERICH YAN!!! PAKAKAWALAN PA BA NYA ANG APO NG PINAKAMAYAMANG TAO SA PINAS DUH!!! JACKPOT NA JACKPOT ANG HITAD!!! FROM TINDERA SA KARINDERYA TO RICHES HELLO!!!! I WILL NOT BE SURPRISED KUNG MAGPAPABUNTIS AGAD YAN DUN!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.