Erich, bibigyan ng mga pampaganda si Enchong!

NATATAWA’NG naloloka ako sa komento kay Chokoleit sa Facebook ng mga kapwa niya sing-along host. Pawang ka-negahan.

Kasi nga raw, noong Christmas party sa Punchline, nag-inarte ang Chokoleit at pinagsasampal ang mga baguhang hosts sa nasabing comedy bar.

Dahil nga mga baguhan, syempre, hindi itinago ang kanilang mga sentimyento. Kaya naglipat-lipat na ang mga kuwento tungkol sa nasabing pangyayari.

Kaya nang tinanong ko naman si Chokoleit about it, ang sabi naman nito, talagang ginagawa niya raw ‘yun bilang bahagi ng kanilang kasiyahan tuwing Christmas party nila sa nasabing comedy bar. At nakikita raw ito ng may-ari. And in the past years, usapan na nila ‘yun ng mga kasama niya sa trabaho. Kaya nagulat siya nang i-blind item pa ito at ngayon nga eh, pinagpipistahan pa sa Facebook ng mga kasama niya sa mundo ng sing-along.

Ikinaloka na rin niya ang sobrang pamemersonal sa mga tirang inabot niya sa Facebook.

Ang kay Chokoleit, mga kasamahan niya sa nasabing sing-along bar ang kasama niya noong Christmas party niya. Ang mga nagre-react eh, mula sa ibang sing-along bars daw. Sana raw, siya ang harapin ng mga nagrereklamo sa mga kapit-bars nila.

Kapangitan, kabahuan, ka-negahan, lahat na ng hindi magaganda ang ipinukol kay Chokoleit sa kaliwa’t kanang tira ang inabot niya mula sa sing-along hots na umaastang perpekto at mukhang wala pang naging masamang karanasan sa mundo ng sing-along.

Ang pananampal ni Chokoleit eh, sa katuwaan daw na hindi ikinatuwa ng marami.

Tanungin naman natin ang ibang hosts kung sila ba eh, hindi pa nakatikim ng sampal na hindi sa biro talaga idinadaan.

Marami akong nasaksihan na ganyan…

Naku, dapat nga kayo ang nagkakasundu-sundo. Iilan na lang ang sing-along bars na iniikutan niyo-mag-aaway-away pa kayo!

SI ERICH GONZALES ang bagong mukha sa  isang  beauty pro-ducts, dahil nag-end na raw ang kontrata ni Sarah Geronimo rito. Kaya, kinailangang humanap na uli ng bagong magdadala ng line ng nasabing mga produktong pampa-ganda.

Ang nausisa tuloy kay Erich eh, kung inirerekomenda niya ito sa mga kasama niya sa trabaho. Oo naman daw.

Kung pwede rin daw ba itong gamitin ng mga lalaki. Pwede naman daw.

Kaya, ang buntot na tanong eh, kung ipagagamit daw ba niya ito sa ka-love team niyang si Enchong Dee.

Magaling si Erich, ha? Oo naman daw. Kasi, gumagamit naman ng powder ang mga lalaki ngayon dahil, nagme-make up din sila.

Gumamit siya o hindi, care ko! Ang importante, may bagong raket ngayon si Erich na mukhang pangmatagalan. ‘Yun na!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

3 thoughts on “Erich, bibigyan ng mga pampaganda si Enchong!

  1. Hindi totoo yan. May mga lalaki talagang nagmemake up kahit hindi artista and that doesn’t make them gay. You’re gay if you like men and you’re a man at kung nakikipag anuhan ka sa kapwa mo lalaki. Make up doesn’t dictate sexuality. Iba na panahon ngayon.

  2. Magaling si Erich, ha? Oo naman daw. Kasi, gumagamit naman ng powder ang mga lalaki ngayon dahil, nagme-make up din sila.

    =============

    si enchong lang ang nag me-make up hindi kami. kung ang lalake gumagamit ng make-up bakla yun unless yung mga artistang lalake na gumaganap dun sa mga fantaserye.

    uulitin ko hindi kami nag me-make -up na mga lalake.

Leave a Reply

Your email address will not be published.