Eric Quizon, labis-labis ang pasasalamat kay Zsa Zsa Padilla!

SOBRA-SOBRANG PASASALAMAT daw ang nais iparating ni Direk Eric Quizon kay Zsa Zsa Padilla dahil sa pagmamahal at sa pag-aalaga sa kanyang amang si Comedy King Dolphy.

Walang sandali raw na nawala sa tabi ng Comedy King si Zsa Zsa. Hindi raw ito umaalis at nakabantay lang sa kanyang amang may karamdaman.

“She’s holding up. Hindi siya bumibitaw, she’s always there, hindi siya umaalis. Sa lahat ng ups and downs ni Daddy, siya ang unang nakaaalam.”

Medyo okey na raw ang kundisyon at vital signs ni Mang Dolphy, kaya tuloy ang dialysis nito. Nagkaroon din ng mass sa Makati Medical Center, kung saan nandoon ang 15 sa 17 Quizon siblings, habang padating pa lang ang iba pa nilang mga  kapatid ngayong linggo.

“Overwhelming ang feeling kasi pati Muslim at Jewish community nagdarasal para sa daddy ko. Nakakataba ng puso  dahil pinag-isa ni Daddy ang buong bansa.”

“Iba ang pakiramdam na marami ang nagdarasal sa dad ko. People are just giving back, ang mga pinatawa ng dad ko, lahat sila nagdarasal. Maraming salamat.”

Wish ni Direk Eric na sana raw ay magtuluy-tuloy na ang paggaling ng kanyang ama sa mga susunod pang araw.

 

ANG MAKAPAREHA at makatrabaho raw ang isa sa mga prinsesa ng primetime ng ABS-CBN na si Kathryn Bernardo ang wish ng male grand winner ng Mr. & Ms. Olive C Campus Model Search na si Aljohn Lucas .

Bukod daw kasi sa maganda ay mukhang mabait si Kathryn at napakagaling umarte. Kaya naman daw ngayong nakapasa na ito sa Star Magic audition, kung saan among 500 ay siya lang ang natira at sinabihang makakasama sa magwo-workshop this month, mas malaki raw ang posibilidad na magkatotoo ang kanyang pangarap na makapareha at makatrabaho ang young star.

Pero bukod daw sa workshop nito sa Star Magic, masusing pag-hahanda ang ginagawa nito para sa nalalapit na laban para sa Mr. & Ms. Tourism Universe na gaganapin sa October 2 sa Guatemala. Pipi-litin daw nila ni Rohama Rearte na manalo at maiuwi ang title para sa Pilipinas.

 

NATATAWA NA lang daw ang Hiram na Puso lead actress na si Kris Bernal sa pagkaka-link nito sa iba’t ibang young actors. Ayon kay Kris, wala raw katotohanan ang nasabing tsismis.

Tsika nga nito na mas gusto niyang maging single sa ngayon at walang time para mag-entertain ng mga manliligaw. After daw ng break-up nila ni Jay Perillo, hindi pa tumitibok muli ang kanyang puso para sa ibang lalaki.

At kahit nga raw may mga nagpaparamdam sa kanya, deadma lang siya at ayaw magbigay ng oras sa mga ito. Mahal na mahal daw nito ang kanyang trabaho, kaya naman daw ito muna ang kanyang pinagtutuunan ng atensiyon.

Tsaka na lang daw ang lovelife, dahil may tamang oras at panahon daw para rito. Pero sa ngayon ay ang maging subsob muna sa trabaho ang kanyang aatupagin, lalo na’t napaka-positive at maganda ang feedback sa kanyang acting sa kanyang show. ‘Yun na!

 

ISA SA inaabangan sa Paparazzi ng TV5 na napapanood every Saturday ng 11:30am-12:30PM ang Paparazzabog kung saan may 2 team mula sa mga kapatid sa panulat ang magbibigay ng kani-kanilang pasabog na mga fresh showbiz news or blind items na hindi pa lumalabas sa kani-kanilang column.

Maraming manonood nga ang naaaliw sa nasabing segment lalo na’t sila ang unang nakaaalam sa latest scoops mula sa mga invited press na sasalang sa nasabing segment. Kahit nga ang mga hosts ng Paparazzi na sina Nanay Cristy Fermin, Mr. Fu, Zoren Legaspi at Ruffa Gutierrez ay naloloka sa mga baong report ng mga invited press.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

6 thoughts on “Eric Quizon, labis-labis ang pasasalamat kay Zsa Zsa Padilla!

  1. mahilig sa matanda itong si zsa zsa, next time dapat gayahin nya si vicky belo, humanap ng toyboy para sya naman ang maalagaan. swerte rin ni alma at hindi sya natulad kina lorna at zsa zsa ng kapalaran.

  2. May – December and agwat pero halatang halata ang lubos na pagmamahal ni Zsa Zsa kay Dolphy. Hindi mo rin masasabing pera lang dahil nagtratrabaho naman si Zsa Zsa. Baka ngayon, mas malaki pa ang kita niya dahil si Dolphy, matagal ng walang trabaho at marami pa rin ang umaasa sa kanya.

  3. ewan ko lang kung mapupuri nya pa si zsa zsa paghatian na ng mana!!! sabunutan ng badush na si eric si zsa zsa!!! come out na kasi like bb!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.