Eric Fructuoso at Boom Labrusca, saksi sa samu’t samong problema ng binabantayang compound!

BLIND ITEM: Nakakatawa ‘yung friend ko. Me common friend daw sila ng isang sexy actress. Ikinuwento nito sa kanya ‘yung idinayalog dito ng sexy actress matapos malaman ng common friend nila na nagkatsuktsakan si Sexy Actress at si Maintrigang Personalidad.

Noon pa naman daw ay nagkakatsuktsakan na ito. Pero kung makakapuslit ay pumupuslit si Maintrigang Personalidad, dahil ‘pag naispatan siya in public, patay! Me asawa pa naman itong patuloy na nagpapaganda.

‘Pag nangangai-langan nga ang Sexy Actress ng malaking pera ay wala itong ibang maiisip na paraan, kundi tawagan ang Maintrigang Personalidad, dahil alam niyang ito lang ang makatutulong ‘pag malaking halaga ang kailangan niya.

Ang kaso nga lang, me kapalit. Alam n’yo na siguro ‘yon kung ano, ‘di ba? Tsuktsak tienes, boom, boom, boom!

Pero one time nga eh, nagkita ang dalawa. Pero medyo sawa na raw si Maintrigang Personalidad, kaya hindi na ito nakipagtsuktsak. Sa halip, nagpa-BJ na lang daw ito.

At ‘eto nga, nag-usap na si Friend at ang Sexy Actress.

“Kumusta naman? Binigyan ka ba ng lolo mo?”

“Ang laki nga ng ipinagbago, eh. Dati, galante, ngayon, ang liit na ng bigay!”

“Eh, magkano na?”

“Kuwarenta mil na lang, mare!”

“Ay, gano’n? Hahahaha! Hayaan mo na! Pera pa rin ‘yan. BJ lang naman, eh!”

Hahahaha! Nakakatawa ‘yung usapan!

Sana naman, hindi magkaroon ng idea ang ibang actors na ganu’n din ang singilin sa mga bakla. Hahahaha!

 

ANO NGA ba ang kinalaman ng banyo sa mga bida ng Dyagwar?

Mas mahaba pa nga yata ang exposure ng banyo sa ibang kasama sa pelikulang ito ng magpinsang security guards na sina Eric Fructuoso at Boom Labrusca, eh. Dito kasi naganap ang ilang “nakakalokahng kababalaghan” na siyang nagpatindi sa kuwento ng magpinsan.

Isang compound ang kanilang binabantayan. Ang mga tenants ay iba’t iba ang problema sa buhay na nawi-witness mismo nilang dalawa. Mai-involve ba sila o sila mismo ang makalulutas ng problema ng mag-asawang Marissa Sanchez at Alex Caleja; ng mga estudyanteng bagets na sina Arran Sese at Joe Black; ng dalagang si April Sun at manliligaw nitong si Randolf Stematelaky; ng kabit na si Jed Montero? At ng pokpok na si RR Enriquez?

At higit sa lahat, ng kaserang bading na si Chiokla Gaston?

Para may idea kayo kumbaket namin ipinagmamalaki ang movie na ito, ‘eto basahin n’yo ang review ni Ms. Cathy Peña. http://makemeblush2.blogspot.com/2011/12/dyagwar-when-happy-endings-are-alright.html

Nakakatawa, nakaka-arouse, nakakaelya at may mga sorpresang susulpot na hindi n’yo akalain. ‘Yan ang Dyagwar. Showing na sa October 3 sa selected SM Cinemas: SM Megamall, SM SouthMall, SM Fairview, SM City North Edsa, SM Marikina, SM Bacoor, SM Centerpoint Sta. Mesa, SM Manila (near City Hall), SM Iloilo at SM Cebu.

First production venture po ‘yan ng inyong lingkod para sa OgieD Productions. At unang pagtatangka naming sumulat ng script sa direksiyon ni Sid Pascua. Sana, suportahan n’yo. Nagmamakaawa, Ogie Diaz.

Hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

5 thoughts on “Eric Fructuoso at Boom Labrusca, saksi sa samu’t samong problema ng binabantayang compound!

    • korek alin sa dalawa,pareho kasing pok pok itong girlalush nato at si pacman mahilig sa chicks,asawa ng nag papaganda,pacman

Leave a Reply

Your email address will not be published.