Eric Fructuoso at Boom Labrusca, bida sa sexy comedy indie film!

DAHIL NAKA-P256M na to date ang gross ng No Other Woman, ngayon pa lang ay ang dami nang bumabati kina Anne Curtis at Cristine Reyes dahil siguradong sila na ang tatanghaling Box-Office Queens sa susunod na Guillermo Mendoza Memorial Foundation awards night.

Nasa Showtime nga kami kahapon at guest ni Vice Ganda si Derek Ramsay ay ang dami nang bumabati kay Derek na siya na ang next Box-Office King.

Sobrang humble pa ni Derek na sabihing, “Naku, sana nga.” Pero ‘yun naman ang totoo, sa totoo lang.

Nakarating din sa amin ang tsikang gustong bigyan ng Star Cinema ng launching movie si Derek bilang si Totoy Bato para manumbalik ang action genre sa mga sinehan.

Pero mabigat na “pasanin” ito kay Derek. Feeling namin, isang malaking sugal ito.

Sana, bongga rin ito sa box-office. Pero good luck talaga sa Totoy Bato.

 

LUMUSOB ANG PINOY Parazzi sa shooting ng Dyagwar (Waley O Havey?). Isang sexy comedy na indie film na sinulat namin ni Sid Pascua, na siya ring nagdirek.

Kuwento ng magpinsang “gwardya” ng isang compound, sina Boom Labrusca at Eric Fructuoso na silang nakaka-witness, nakaka-encounter ng iba’t ibang uri ng tenant at ng mga taong-kalsada habang binabantayan nila ang compound ng ilang pinto ng apartment na ang kasera ay isang mataray na bading, si Shamcey Sutsot (Chiokla).

Kasama rin sina Tado at Bentot at ang mga problemadong tenants na sina Marissa Sanchez, Alex Calleja, Joe Black, Arran Sese, mga seksing sina Jed Montero, April Sun at si RR Enriquez bilang prosti.

Ilang celebrities din ang pumayag na mag-cameo sa Dyagwar.

Paano nga ba kung ang isang gwardya ay na-inlab sa isang tenant?

Paano naman kung kina-career ng kasera ang isang gwardya para mahada at papiliin ka kung trabaho o sisante?

Kaya rin bang “bantayan” ng mga gwardya ang mga tukso na kalaban ng kanilang pagkainip sa kanilang puwesto?

Puwede rin bang maging bayani ng buhay ng mga tenant ang mga gwardya sa mga delikadong sitwasyon kahit pa hindi nila kaanu-ano ang kanilang binabantayan?

Kayo na ang humusga kung ang dalawang gwardya este Dyagwar na ito ay waley o havey? Abangan!

 

NAKAKAALIW SI RUFFA Gutierrez, dahil habang iniinterbyu raw ito ng E Live tungkol kina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao sa b-day concert ni Vina Morales sa Republiq nu’ng Monday ay nguso ito nang nguso sa isang gilid.

Na kung ipa-pan ang camera ay tatay niya palang si Eddie Gutierrez ang inginunguso niya.

Hahahaha! Gusto namin si Ruffa sa mga ganyang candid moments niya.

 

P’wede n’yo na po kaming mapanood nang live sa facebook mula Lunes hanggang Biyernes, 4-5:30pm sa www.facebook.com/vibestayo. Magchikahan tayo, mag-chat kayo sa amin at babasahin din namin nang live, promise. 

Paki-like na rin ang fanpage ng vibes tayo, dahil in the first place, vibes naman tayo lahat, ‘di ba?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

One thought on “Eric Fructuoso at Boom Labrusca, bida sa sexy comedy indie film!

  1. Pingback: Eric Fructuoso at Boom Labrusca, bida sa sexy comedy indie film! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.