ERC Chief, Binalaan ‘Pag Inisnab ang Senado

HINDI MAG-AATUBILI ang Senado na agad ipa-subpoena o kaya ay ipadakip si Energy Regulatory Commission (ERC) Chair Zenaida Ducot sakaling isnabin nito ang nakatakdang pagdinig ng Senate committee on energy ngayong araw hinggil sa nakaambang pagtataas ng singil ng kuryente ng Meralco.
Sinabi ni Sen. Sergio Osmena, chairman ng Senate committee on energy na nais nilang bigyang-linaw ni Ducot ang napakataas na dagdag-singil sa kuryente.
Para kay Sen. Antonio Trillanes, na siyang nagsulong ng nasabing pagsisiyasat, malinaw na nagkaroon ng sabwatan ang mga distributor ng supply ng kuryente matapos sabay-sabay na mag-shutdown ang mga power plant.
Kontra naman dito at hindi naniniwala si Senate minority leader Juan Ponce Enrile na may sabwatan ang mga stakeholder.
Inihayag ni Enrile na karaniwan nang tumataas ang demand sa supply ng
kuryente tuwing sasapit ang buwan ng Disyembre.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.