ERC Chairman, Pinagre-resign Din

TULAD NG ginawa ni Customs Commissioner Ruffy Biazon, mas mainam na magbitiw na lang o bumaba sa pwesto si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Zenaida Ducut.

Ito ang paniwala ni House Speaker Sonny Belmonte hinggil sa pork scam fund case na isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban sa opisyal.

Gayunman, aminado ang liderato ng Kamara na personal na desisyon ang ginagawang pagbibitiw o paghahain ng leave alang-alang sa delicadeza.

Dadaan pa rin naman aniya sa preliminary investigation ang nasabing kaso ni Ducut bago iakyat sa korte.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.