Erap, tumulong sa mga sinalanta ng bagyong Pedring

NAGPAABOT NG KANYANG tulong si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada, sa mga pamilyang sinalanta ng bagyong Pedring sa Navotas makaraang personal itong bumisita sa lungsod para mamahagi ng mga relief goods kasabay ng programang inilunsad ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang “Oplan Bayanihan”.

May 3,000 pamilya ang nabiyayaan ng tulong na ibinigay ni Estrada na ki-nabibilangan ng mga de-lata, biscuits, noodles, at bigas.

Dumating din si Navotas Congressman Toby Tiangco upang alamin ang kalagayan ng kanyang mga kababayan na sinalanta ni Pedring.

Ayon kay Estrada, malaki ang kanyang paghanga kina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco sa pagiging matatag ng mga ito, na kahit patuloy na sinasalanta ng kalamidad ang kanilang lugar walang humpay pa rin ang ginagawa nilang pagtulong sa kanilang mga nasasakupan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.