Erap: Ruby Tuason, Clarissa Ocampo-in-the-making

HAYAGANG INAKUSAHAN ni dating pangulo at ngayon ay Manila City Mayor Joseph Estrada ang kaniyang dating social secretary na si Ruby Tuason na umano’y “paid witness” sa multi-bilyong pork fund scam.

Inihayag ng alkalde na nasuhulan umano si Tuason para idiin ang kanyang anak na si Sen. Jinggoy Estrada sa iskandalo.

Tinukoy pa ng dating

pangulo na mistulang “Clarissa Ocampo-in-the-making” umano si Tuason, bilang patungkol sa isang opisyal ng Equitable-PCI Bank na tumestigo noon sa kanyang impeachment trial.

Kinuwestyon din ni Estrada ang “timing” at kredibilidad ng state witness dahil madali aniya para sa mga awtoridad na manipulahin ang mga pahayag nito para madiin ang mga kalaban sa pulitika ng kasalukuyang administrasyon.

Aminado rin ang alkalde na nabigla ito sa paglutang ng kanyang dating tauhan, pero iginiit nito na hindi sila natatakot sa mga posibleng ibubulgar ni Tuason.

Maliban kay Tuason, pinatutsadahan din ni Estrada si Justice Sec. Leila de Lima bilang “publicity hungry” dahil sa mistulang hinahatulan na umano nito ang anak na guilty sa mga alegasyon.

“This is pure trial by publicity like what happened to me. It has been a vicious cycle,” giit ni Erap.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Erap: Ruby Tuason, Clarissa Ocampo-in-the-making

Leave a Reply

Your email address will not be published.