Erap, Nanumpa na sa Maynila

NANUMPA NA bilang bagong alkalde ng Maynila si dating Pangulong Joseph “Erap” Ejercito Estrada.

Nanumpa ito kay da-ting Senate President Juan Ponce Enrile.

Base sa kanyang ginawang talumpati, muling iginiit ni Erap na inosente siya sa mga nakaraang kaso at batikos na ipinukol sa kanya.

Dagdag pa niya, “Kung ako man ay ex-convict iyon ay dahil sa aking prinsipyo.”

Nangako si Estrada na ibabangon ang imahe ng nasabing lungsod mula sa pagiging “gates of hell” na una nang sinabi ng manunulat na si Dan Brown sa bago nitong libro.

Kabilang sa kanyang mga pangako sa mga Manileño ang paglilinis ng lungsod, pagpapaigting ng koleksyon ng buwis, pagsusulong ng proyektong pangkalusugan at paglaban sa korapsyon.

“Gising Maynila! Bangon Maynila! Sulong Maynila!” Sigaw pa ni Erap.

Bukod pa kay Estrada, nanumpa na rin bilang re-elected vice-mayor si Isko Moreno kay acting Senate President Jinggoy Estrada.

Maaalala na natalo ni Erap sa nakaraang eleksyon si dating alkalde Alfredo Lim.

Samantala, nanumpa na rin sa tungkulin ang mga bagong halal na konsehal ng Maynila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.