Erap, Idineklara nang Mayor ng Maynila

OPISYAL NANG iprinoklamang alkalde ng Maynila si dating Pangulong Joseph Estrada ng United Nationalist Alliance (UNA).

Nakakuha si Estrada ng kabuuang 343, 993 boto, sapat para talunin ang re-electionist na si Alfredo Lim na mayroon lamang na 308, 544 boto.

Gayundin, panalo ang running mate ni Erap na si re-electionist Isko Moreno laban kay Lou Veloso na running mate ni Lim.

Nagpasalamat din si Erap sa lahat ng mga sumuporta sa kanya kasabay ng pa-ngakong babaguhin ang kalagayan ng Maynila.

Samantala, hindi pa nagko-concede si Lim sa kabila ng deklarasyon ng Manila City of Board of Canvassers.

Ito na ang ikalawang pagkakataong tinalo ni Estrada si Lim sa eleksyon.

Maaalala na taong 1998 nang magkaharap sina Erap at Lim sa presidential elections. Nanalo si Estrada ngunit pagsapit ng taong 2000, kinuha nito si Lim para maging secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Pagdating ng 2001, si Estrada ang naging kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas na sumalang sa impeachment trial na nagbunsod para sumiklab ang Edsa 2 na nagpatalsik dito sa puwesto.

Sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, hinatulan ng Sandiganbayan si Estrada na guilty sa kasong Plunder.

Sa kabilang dako, noong 2007, pinagkalooban ito ni Ginang Arroyo ng executive clemency.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.