Erap, go na sa Maynila

GO NA ang kandidatura ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada sa pagka-mayor ng Maynila matapos ibasura ng korte ang kasong diskuwalipikasyon laban dito na iniharap ng dalawang botanteng taga-lungsod.

Dinismis ni Manila RTC Judge Marivic Balisi-Umali ang kaso dahil wala itong batayan at wala ring  ka-tayuang legal sina Romeo de Leon at Mariel Limueco na kuwestiyunin ang kuwalipikasyon ni Erap na kumandidato.

Idineklara sa desisyon ni Judge Umali na ang karapatang pulitikal at sibil ay ibinalik nang buo nang walang anumang kundisyon sa absolute pardon na ipinagkaloob ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kay Erap.

Kaugnay nito, inihayag ni dating Solicitor General Frank Chavez na 100 pors-

yento nang maaring tumakbo at ibotong mayor ng Maynila si Erap at wala nang hadlang sa kandidatura nito.

Ito ang ikalawang salto ng pangkat na nagtatangkang hadlangan ang kandidatura ni Erap sa Maynila. Una rito, ibinasura rin ng Sandiganbayan ang katulad na kaso na inihain ng dalawang abogado dahil walang batayan, dugtong pa ni Chavez.

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.