Erap Estrada, nagpakasal ulit! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! NAGPAKASAL pala ulit ang bida ng pelikulang Ang Tanging Pamilya na si former President Joseph Estrada. Yes!

Kahapon, after ng radio program ko sa DZRH, may meeting ako sa Manila Yatch Club sa isang pinagkakatiwalaang tao at matapang na pulitiko. Habang nagkukuwento ang friend kong politician, at sa kadadakdak niya, nakalimutan niya na medyo late na pala siya sa kanyang appointment.

Sabi niya sa akin, “Tita Swarding, nagmamadali ako. Late na kasi ako sa kasal ni Pangulong Erap.” Ha?!

Kaya nag-usisa ang beauty ko. Kaloka! Nagpakasal ulit ang mag-asawang Erap at Dra. Loi sa kanilang 50th anniversary.

Ang nakakaloka, ni isang media ay walang nakaaalam, huh! At doon pa sa Tanay, Rizal ito ginawa kung saan nakulong noon ang dating action star. Ang nakaaalam lang ay ang malalapit na kaibigan ni Erap at ang pamilya nito.

Komento naman ng kasama kong friend na politician, baka kasi raw ayaw ng lolo mo na malaman ni Laarni Enriquez at iba pa. Baka sugurin ito. Hahaha!

Nakakaloka, ha?! Ewan ko lang kung dumating ba ang mga kasamahan niya sa pelikulang Ang Tanging Pamilya. Kasi invited daw ang mga ito, huh! Si Mommy D lang daw ang hindi dahil nasa malayo ito. Hmmm… ‘yun na!

MULING NAGIMBAL ANG sambayan nang pumutok na naman ang isyung nagpakamatay ang celebrity doctor na si Hayden Kho, Jr.

Hanggang ngayon ay hindi malinaw ang mga lumalabas na istorya tungkol sa kanyang tangkang pagpapakamatay. Kahit ni isa ay ayaw magbigay ng pahayag kung bakit. Kahit ang nobya rin nitong si Dra. Vicki Belo ay tikom ang bibig.

Naku, ha?! Hindi kaya pipi na ang mga ito. Hindi naman puwedeng hindi usisain ng movie press ‘yan, ‘noh?! Dahil public figure kayo. Hahaha!

Naku, ha?! After nito, Hayden, ano naman kaya ang susunod? Hmm…

SA WAKAS, NASILAYAN na ang beauty  ng kontrobersiyal na sexy actress na si Krista Ranillo. Kaya inaabangan siya ngayon ng karamihan sa kung ano ang kanyang magiging pahayag sa isyung hindi mamatay-matay na nag-uugnay sa kanila ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Chikka ng aking friend, ‘wag na raw mag-expect ang lahat na aamin itong si Krista. Dahil itatanggi raw nito ang lahat. Huh?! Kalerke, ha?!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

3 thoughts on “Erap Estrada, nagpakasal ulit! – Tita Swarding

  1. gosh. sa Harapan sa ABS nakakatawa c Erap. Mukha siyang ewan. pinagtatawanan xa ng lahat. obvious na hindi niya naiintindihan ang format at mismo ang mga tanong. para syang isa sa mga 3 stooges. wala siyang matinong sagot.

  2. style mo erap! kunwari pa ayaw ipaalam sa press ang renewal of wedding vows! obviously, it’s a political strategy..kailangan nya pabanguhin ang image nya because it’s an open book na napakadami nyang mistress and anak sa labas!

Leave a Reply

Your email address will not be published.