ER Ejercito, walang pagpapahalaga sa oras ng ibang tao!

ALAM NAMIN ang kagustuhan ni Gov. ER Ejercito na makapaglingkod uli sa bayan ng Laguna, kaya meron ka-

ming tip para sa kanya. Na sana ay baguhin na niya para na rin ‘yung mismong naniniwala sa kanyang kapasidad ay hindi na siya maitsismis sa ibang tao.

Ilan na ang nagpaparating sa amin ng hindi pagpapahalaga ni Gov. ER sa oras ng ibang tao, lalo na ng maliliit na taong pinaghihintay niya nang napakatagal.

Kunwari’y ang usapan ay 9am, darating siya ng 12 or 1 pm at ang idadahilan niya’y andami pa niyang inasikaso para sa bayan ng Laguna.

Si P-Noy noon, pinasaringan na siya na hindi siya sumusunod sa oras. Late siya ng dalawang oras at kalahati. At ang irarason niya’y hindi lang naman ang pagiging governor ang trabaho niya, dahil andami rin daw bumibisita sa bayan ng Laguna.

Sa kanyang caucus naman ay sobrang “pagsasalsal” na ang ginagawa ng mga hosts, pero wala pa rin siya. “Eh, probinsiya ‘yon, ang agang natutulog ng mga tao, pero darating siya, mag-aalas-dos nang madaling-araw at dalawang oras kung magsalita siya. Antok na lahat ang mga tao,” sabi sa amin ng isang coordinator ni Gob.

“Ang nakakalokah pa niyan, ha? Hindi kinakaya ng mga tao ‘yung imbes na itoka na lang ni Gob sa ibang tao ang pagbibigay ng allowance sa mga coordinators, siya mismo, siya mismo ang nagbibigay as in kung P1k kada coordinator ‘yon at sabihin mo nang limandaang tao ‘yon, eh ilang oras ang kakainin no’n? Wala ba siyang tiwala sa ibang tao pagdating sa paghawak ng pera?

“Kaya nga ‘yung mga coordinator, nate-turn-off na kay Gob, dahil hanggang ngayon, hindi pa rin importante ang oras sa kanya! Saka nagrereklamo na rin ‘yung mga pinangakuan niyang kandidato sa partido niya, hanggang ngayon, nga-nga sila at walang ibinibigay na budget si Gob!”

 

SABI PA ng kaibigan naming coordinator, “Saan ka naman nakakita, Papa O, usually, ang motorcade, sa araw ginagawa. Pero si Gob, 9:30 ng gabi ang motorcade at natatapos ng 2:30 am. Eh, ano’ng oras ba natutulog ang mga constituents niya?”

Nalulungkot kami, promise. Dahil anim na miyembro ng aming pamilya na botante ay sa Laguna nakatira at kami ang tinatanong kung iboboto pa raw nila si Gov. ER kasi maging sila ay marami na ring tsismis na naririnig tungkol kay Gob.

“Kayo ang bahala, pakiramdaman n’yo rin kung karapat-dapat iboto ang isang tao o kung me nagawang buti sa buhay n’yo!” sabi na lang namin.

For sure, ang next question ay kung naniniwala ba kami rito?

Hindi namin sasagutin ito, dahil hindi naman kami naging saksi, pero ilang presscon na ang ipinatawag para i-meet ni Gob. ER ang mga movie reporter, pero ang 12nn na oras ay hindi nasusunod, dahil 3pm or 3:30pm dumarating si Gob.

Juice ko, grabe rin siyang saluhin ng kanyang publicist na si Jobert Sucaldito at dinadaan na lang ni Jobert ang pagiging

late ni Gob sa pagpapatawa at pagpapahaba ng show para hindi mainip ang mga manunulat sa paghihintay.

Unang beses kaming u-

mattend na naghintay nang napa-katagal, that’s it. Hindi na namin inulit nu’ng mga sumunod na imbitasyon, dahil importante rin naman ang oras namin. At hanggang ngayon, usap-usapan pa rin ng mga reporter na, “’Pag imbitasyon ni Gov. ER, papa-late na rin ako, dahil hindi naman siya dumarating sa oras!”

Kaya sana, kung mauupong muli bilang gobernador ng Laguna si ER Ejercito, sana naman, Gov. marunong na tayong magpahalaga sa oras ng ibang tao. Pinaghirapan n’yo naman po ‘yang posisyon n’yo, kaya sana, ‘wag nating sayangin.

 

KASALUKUYANG NASA ICU ng Quezon City General Hospital si Tita Swarding at nakikipaglaban para sa kanyang second life. Sa mga natulungan ni Tita Swarding, baka puwede n’yo naman pong matulungan ang ating kaibigan.

Kinontak na namin si Governor Vilma Santos-Recto at nangakong tutulong kay Tita Swarding. Sino pa ba diyan ang puwedeng makatulong? Please, kailangan niya ngayon. Maraming salamat po!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

16 thoughts on “ER Ejercito, walang pagpapahalaga sa oras ng ibang tao!

  1. I think the best way iparating mga concerned kay Gov. Sa nakita ko nung umuwi ako sa laguna it improved alot and hindi naman perfect ang kahit na sino…malaki tulom
    Ng ni ejercito sa mga mahirap na nahospitalized na di naman yan nagawa ng kahit sino. Di ko nakita na ganyan kaganda kapitolyo for so many years at sa alam ko against sa kanya ung mga mahilig sa corruption na di sila makakilos ngaun, though maari meron ilan pero i feel now is better than before. Ano din problema na sa gabi sila busy kung busy sila sa araw. Wag basta husgahan kasi hindi madali magpalakad sa isang bayan. Kung late man sia sa oras iparating na lang at ugaling pinoy siguro. I know some people against him kasi di nila magawa ang project nila dahil wala na silang power. Go for ejercito para sa ikakabuti ng laguna. Kayo ba hindi nio nakikita ang pagkakaiba ngaun at noon? Dont blind fold your self. Kung sino uupo sa susunod walang problema pero pasalamatan natin ang nagagawa nila sa bayan at husag ng saktan pa damdamin nila bilang nag hirap din naman. God bless laguna, god bless Philippines.

  2. ANG MALAKING TANUNG DYAN EH SAAN KINUKUHA NG ER NA YAN ANG KAYAMANA NYA AT YUNG PERANG IPINANGPROPRODUCE NYA SA SARILI NYANG PELIKUA??????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????????

    MAGKANU BA ANG NET WORTH NG ANIMAL NA ER NA YAN BAGO YAN PUMASOK SA PULITIKA?????? EH MGA EXTRA AT KONTRABIDA ROLES LANG NAMAN ANG ROLES NG ANIMAL NA YAN AH??????????? PANU NAKAPAG PRODUCE NG SARILING MOVIE NYA YAN NG WORTH 15O MILLION???????????????? SAAN GALING YUN????????????? KAWAWANG MGA TAGA LAGUNA GINAGAGO NA PINAGNANAKAWAN PA NG ADDICT NA GOBERNADOR!!!! SABAGAY NILUKLUK NYO YAN EH PANINDIGAN NYO!!!!

    NGAYON KUNG MANANLO AT IBOBOTO PARIN NG MGA TAGA LAGUNA YAN MAS NANINIWALA NA AKONG MAS ADDICT AT BOBO ANG MGA TAGA LAGUNANG BUMOTO DYAN!!!!

  3. sa mga tao po na nakakabasa nito, ipapaliwanag ko lang po kung bakit gabi nangangampanya si ER. dahil ito ang kadahilanan:

    1.)  Ayaw niya maarawan.
    2.) Tanghali na siya kung gumising.
    3.) Siya ay mayaman, dahil siya ay isang Ejercito.
    4.) Nag aadik siya. (Gising sa gabi, Tulog sa umaga)

    Mag isip – isip na ang mga taga Laguna diyan kung sino ba talaga ang nararapat na iboto. Pumili ng TAMA.

  4. Ako’y taga Laguna. Totoo naman talaga ang story na lagi late si Gov ER. Maging sa flag ceremony, bigayan ng bonus, bigayan sa iskolar ng laguna, nako. Yung mga pondo na galing naman sa national government at hindi naman personal na nanggaling sa kanya, kelangan sya pa rin mag aabot! e anong oras na sya kung dumating! pati un iba hepe nya hindi pa nag sumite ng drug test na dapat required sa employment tulad ng ibang tao. ang masama pa nito totoo nga may mga adik na empleyado na sya mismo ang pumili! ano ba naman gov! hindi ba kau magtataka kung bakit buong termino na meron pa rin mga opisyal si gov na hindi pa rin nagsusumite ng DRUG TEST? Kung ito;’y chismis lang, bakit hindi na lang mag pa drug test para lang mapabulaanan ang mga haka2 na ito? E kasi, hindi ito chismis, mga maliliit na empleyado may alam nito kung kayat mga takot magsalita at baka pagbuntungan ng galit ng nasa taas!

    • trulalu. drug test sa lahat ng opisyal & empleyado kng wla tntago! iihi ka lang nmn tpos na. sana mtigil na pangiongotong s mga contractor!!!!! d na nga nbabayaran sa oras kailangan p magbigay ng padulas. grave ang gobyerno sa laguna!

    • naku huwag niyo nang iboboto ang hayupak na yan kung ganon, puro porma lang din yan gaya ni erap tama na sobra na, PATALSIKIN NA!

    • Korek ka dyan Ms. M. totoong kinakailangang dumaan sa drug test ang mga kawani lalo na ang mga opisyal ng gobyerno sa ngalan nang tinatawag nating “dangal sa paglilikuran sa bayan”. Totoo rin na karamihan sa mga kawaning kasama ko sa Provincial Government ay takot magsalita kontra sa Gobernador, marahil dahil naunahan niya nang pagpapakita ng pagiging Benggador. Totoo rin na may mga adik na kawaning namumugad sa kapitolyo at ang ilan sa mga ito ay malalapit pang tao ni Gob. Kamakailan nga lamang ay tatlo (3) sa kaniyang mga tauhan ang nahulihan ng shabu at nakulong sa piitang bayan ng Lumban. Pero agad din “daw” silang piniyansahan ng Gobernador, marahil dahil baka makaladkad ang kaniyang pangalan sa kahihiyang dulot ng kaniyang mga adik na tauhan. Akalain nyo, pinabalik pa sa trabaho sa kapitolyo ang mga gagong iyon. Nasaan ang dangal ng paglilingkuran sa bayan kung ang gumagampan naman ay mga adik o salot ng lipunan?

  5. nagwork ang daughter ko sa SPES nung summer.
    nung pinatawag na sila to received their FIRST SALARY (1st experience)
    very excited silang magkakabarkada….they were told to go to CULTURAL CENTER OF LAGUNA
    @6:30AM……nang umuwi ang daughter ko @2:30AM ng madaling araw….gutom na gutom at pagod na pagod…ang masaklap pa nito…60% lang ang nareceived nilang sweldo…sa tagal ng paghihintay nila, INSTALLMENT pa ang nangyari…..GGGGRRRRRRRRRRRR@#$$%%^^^^.
    HANEP KA TALAGA E.R….ADDICT LANG ANG GISING NG MADALING ARAW…!!!!

  6. Ms. O, nung napanood ko ang sagot ni ER regarding sa pasaring sa kanya ni Pnoy, sobrang yabang ang dating nya. Para sabihin nya na di lang siya governor, siya ay artista rin, siya si El Presidente, siya si Asiong Salonga, at buong Pilipinas ay pinupuntahan siya. HELLOOOOOOOOOOOOOO????? Ang kapal ng mukha nya para i-claim iyon. Paano mo ba iboboto ang taong sobra kung iangat ang sarili? Hindi ba dapat, mas magpakita ng pagpapakumbaba ang nasa katungkulan sa halip na puro kayabangan ang isagot. Hindi rin siya nalalayo sa kamag-anak nyang tumatakbo naman bilang mayor. Na ang sagot naman ay “Bakit ba kayo nagagalit sa pambababae ko, ang misis ko nga hindi eh” Ang magkakadugo nga naman, makikita mo sa ugali, parehong mayabang at wala sa lugar ang mga sagot. Nakaka-awa na ang mga lugar kung saan sila tumatakbo, sana magising at matuto ang kanilang mga constituents sa pagboto.

  7. Ogie, Bakit ka kay Ate Vi humihingi ng tulong para kay Swarding eh numero UNONG Noranian siya no? If you review Swarding’s past write ups (most of which ay maisusumpa ko siya dahil bukod sa hindi na nga marunong magsulat ang lola mo eh wala pang kakuwenta-kuwentang magblind item) eh puro Ate Guy lang ang kanyang topics. Wah si Ate Vi. Tapos, ke Ate Vi ka hihingi ng tulong? Bakit hindi kay Ate Guy eh milya-milya ang publicity ng matandang bakla para sa kanya? Teka, ano ba ang pinaglalabanan ng matanda? Life or death na ba? Sige, maipagtirik na ng kandila at baka makatulong.

    • Honsama mo teh! Digital na ang karma wag ganyan teh kun wala ka naman sasabihin na nice di ka na lang sana nagcomment nagkasala ka pa tuloy nyan

    • Alam mo jenny mdami nmn tlga hndi ntutuwa ke swarding pro naman tao kpb?matter of life and death n yan naicp mo p ang pggiging vilmanian at noranian.hay ewan sayo

    • ineng, hindi mo ba alam na vilmanian na siya? tinalikuran na niya si nora sa dami ng kapalpakang ginawa at isa na don ay minsang binato siya ng drumstick yata

Leave a Reply

Your email address will not be published.