ER Ejercito, ‘di pa rin tinutupad ang pangakong kotse kay Ate Guy?!

NANG GAWIN ni Ms. Nora Aunor ang El Presidente kasama sa kontrata ang isang brand new car Ford 150 bilang kabayaran sa TF niya sa nasabing pelikula. Hindi agad naibigay ang sasakyang gusto ni Ate Guy na brand new dahil that time, wala pa raw available. Palibhasa, kararating lang mula sa America kaya’t ang nangyari, pinahiram muna ng second hand car Ford 120 ang Superstar para may magamit ito sa shooting ng pelikula nila ni Gov. ER Ejercito, tsika sa amin.

Kahit may problema ang sasakyang pinagamit ni Gov. ER, walang narinig na complain mula kay Ate Guy kahit napakalakas nito sa gasolina. Wala pa nga raw isang linggo ang Five Thousand (P 5,000.00) load niya nito, tsika pa sa amin.

Bago pala ginamit ng Superstar ang Ford 120, pinaayos muna niya ito lingid sa kaalaman ng Governador. Kahit taon na nga raw ang binilang bago napalitan ng brand new car ang second hand niya service ay okay lang sa kanya.

Natutuwa nga si Ate Guy dahil tinupad ni Gov. ER ang kanyang pangako.

Last two weeks, pinadala ng actor/politician ang bagong sasakyan sa condo unit ng controversial actress. Kaso mo nga, hindi Ford 150 ang sasakyan na kanyang natanggap. Tuloy, pinabalik niya ito at ipinangako naman ng right hand ni Governor na papalitan ng ibang brand if ever walang available na Ford 150.

Umaasa si Ate Guy na aaksyunan agad ni Gov. ER ang bagay na ito. Anong malay natin, by this time nasa condo unit na niya ang sasakyang Ford 150. Gusto lang naman ni Mama Guy na maging kumportable sa kanyang mga lakad lalung-lalo na sa out-of-town shooting. ‘Yun lang.

 

SUWERTE NAMAN ni Joey Paras, bida na siya sa pelikulang Bekikang ni Wenn Deramas under Viva Films. Sobrang na-impress si Direk sa ipinakita nitong galing sa pag-arte sa teleseryeng Kahit Puso’y Masugatan at sa Bromance ni Zanjoe Marudo. Matagal na palang artista itong si Joey kaya lamang, hindi nabibigyan ng break. Nang maging Kapamilya star at maidirek  ni Wenn, du’n lang siya napag-ukulan ng pansin.

Agad-agad nakaisip ng project si Wenn D. na babagay sa character ni Joey kaya’t iniluwal niya sa kanyang sinapupunan si Bekikang. Kahit marami ang nagtataas ng kilay sa magaling na actor/comedian dahil magbibida na nga ito, deadma lamang ang magaling na comedian. Patutunayan niyang karapat-dapat siya sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya ni Direk Wenn.

Ibang klase si Wenn D, ipinaglalaban niya ang kanyang artista. Alam niya kung ang isang artista ay sisikat. May certain power yata si Direk na hindi niya maipaliwanag kaya’t patuloy ang pagbibigay nito ng break sa mga baguhang may kakaibang angking talino sa pag-arte.

Sino nga ba ang mag-aakalang ang isang baklang stand-up comedian na tulad ni Vice-Ganda na galing lang sa sing-along bar ay magiging isang sikat na artista. For the first time, in the history of showbusiness, ngayon lang tinanggap ng publiko ang isang katulad ni Vice na bawat pelikula at concert, super box-office hit.

Kung hindi dahil kay Direk Wenn, hindi makakamit ni Vice ang fame and glory na tinatamasa niya sa ngayon. Kaya’t sobra ang tiwala ni Boss Vic del Rosario sa box-office director na magiging super hit ang launching movie ni Joey Paras.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “ER Ejercito, ‘di pa rin tinutupad ang pangakong kotse kay Ate Guy?!

  1. Hello, wag ibigay kay Wenn Deramas ang credit sa fame and fortune ni Vice Ganda ngayon. Sumikat si Vice dahil sa Showtime at kaya naman naging hit ang movies ni Vice na directed by Wenn ay dahil sa fame na naidulot ng Showtime at marketing ng Dos. Sumikat din ng husto si Anne Curtis dahil sa Showtime kaya dinagsa rin ang movies niya, kaliwa’t-kanan ang endorsements at naging successful concert performer pa kahit sintunado kumanta. All credits belong to ABS-CBN, secondary lang si Wenn na kinuha ng Star Cinema para mag-direk ng movies nila at SC rin ang nag-market. Tsuk!

  2. paanong tutuparin ni Gov. ER ang pangako niya kay Nura eh sumsadsad ng husto sa takilya ang El Presidente. hindi nga ba at bottom two ang movies ni Nura sa nakaraang MMFF. mega monumental flop na nga ang pelikula mo Nura hihingi ka pa ng balato kay ER. ano ka hilo?

Leave a Reply

Your email address will not be published.