ER, diskwalipikadong gobernador

KINUMPIRMA NI Comelec Spokesman James Jimenez na diniskwalipika ng 1st Division ng poll body si Laguna Gov. Emilio Ramon “E.R.” Ejercito.

Ito ay hinggil sa umano’y paggastos ni Ejercito nang lagpas sa itinatakda ng komisyon para sa mga kandidato bilang gobernador.

Lumalabas kasi sa Comelec Fair Elections Act, P3.00 lamang para sa kada botante ang puwedeng gastusin ng kandidatong miyembro ng isang partido. Pero maari itong umabot sa P5.00 kung ang isang kandidato ay walang partido o isa lamang siyang independent candidate.

Ang mapatutunayang lu-mabag sa nasabing panuntunan ay maaaring maalis sa puwesto o makasuhan.

“Any violation of RA 9006 and these Rules shall constitute an election offense punishable under the first and second paragraph of Section 264 of the Omnibus Election Code in addition to administrative liability, whenever applicable. Any aggrieved party may file a verified complaint for violation of these Rules with the Law Department of the Commission,” saad ng Comelec resolution.

Gayunman, ang naturang desisyon ay sa 1st division pa lang at iaakyat pa ito sa Commission En Banc at maaari ring dumulog ang respondent sa Supreme Court (SC).

Maaalala na inanunsyo na ni Comelec Chairman Sixto Brillantes ang nabanggit na diskwalipikasyon, kung saan tinukoy lamang niya ang gobernador bilang kilalang pulitiko.

Sinabi pa ng Comelec head na sumobra at masyadong malaki ang ginastos ni Ejercito kumpara sa itinatakda ng komisyon.

Samantala, sasampahan umano ito ng dalawang kaso, kabilang na ang criminal case na paglabag sa Omnibus Election Code at ang disqualification para sa aspetong administratibo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.