Epy Quizon, ‘di ipagdadamot ang kaligayahan ni Zsa Zsa Padilla

Epi-QuizonHINDI UMANO kontra si Epy Quizon sakaling totoong may nakaka-date ngayon si Zsa Zsa Padilla na dating partner ng yumano niyang amang si Dolphy. Inasahan na raw naman niya at ng iba pang miyembro ng pamilya Quizon na hindi imposible na muling magkaroon ng bagong pag-ibig si Zsa Zsa.

“Ang sa akin talaga, and totoo ito sa lahat ng mga kapatid ko naman… kung saan siya maligaya, maligaya kami para sa kanya,” aniya nga.

“Siyempre kung anuman ‘yong buhay niya ngayon… she’s young, she’s beautiful, she’s georgeous, she’s sexy. You know, she deserves all the happiness in the world. She deserves to be happy. Wherever she’s happy, then the family will be happy for her, ‘di ba?

“You know, I know how she loved my father. You cannot question that anymore how much she loved my father. So, ako kung saan siya masaya, of course we will support her.”

Hindi na kailangang konsultahin o abisuhan pa sila ni Zsa Zsa tungkol sa ganitong bagay?

“Hindi na. ‘Di ba? Kumbaga, wherever she’s happy, surely we’ll be happy for her. Hindi naman namin ipagdadamot sa kanya ‘yong kaligayahan na ‘yon. ‘Yon lang din naman ang magiging mensahe ko sa kanya… wherever she’s happy, of course I am happy for her. Kung anuman nga ‘yong makapagpapaligaya sa kanya, hindi namin ipagdadamot sa kanya iyon. Susuportahan pa namin ‘yon.”

Katatapos lang gumawa ng pelikula ni Epy sa Singapore. Ito ay ang Unlucky Plaza kung saan kasama niya ang mga sikat na Singaporean actors na sina Adrain Pang at Janice Kho, at sa direksiyon ni Ken Kwek.

“It’s a story about a Filipino na na-scam ng mga tagaroon, ‘yong mga local doon. Tapos hinostage ko sila. It’s a very good role. A role worth-doing. And its’ a very good film. I enjoyed doing the role. This is my third foreign film na, so far. ‘Yong una, sa Taiwan na kami ni Bayani (Agbayani). Tapos gumawa rin ako sa Malaysia.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Epy Quizon, ‘di ipagdadamot ang kaligayahan ni Zsa Zsa Padilla

Leave a Reply

Your email address will not be published.