EO 79, ‘Tuwid Na Daan’ Sa Pag-Unlad Ng RP Mining Industry

INIHAYAG NI Sagittarius Mines, Inc. (SMI) general manager for external affairs Mark Williams sa 2012 Mining Philippines Conference kamakailan na nasa tuwid na daan ang pamahalaan sa pagsusulong ng ‘consistency’ o hindi pabago-bagong lokal at pambansang batas na ipinatutupad sa industriya ng pagmimina sa Pilipinas.

“Ang consistency sa  lokal, panlalawigan at pambansang gobyerno ay napakahalaga sa ikatatagumpay ng Tampakan project,” ani Williams.

Ang SMI ay kinontrata ng gobyerno para sa $5.9 billion Tampakan copper-gold project na natengga sanhi ng ordinansa noong 2010 sa South Cotabato na nagbabawal sa open-pit mining taliwas sa 1995 Philippine Mining Act na hindi ito ipinagbabawal.

Nilinaw niya na sa implementing rules ng EO 79, naging malinaw ang pamamayani ng pambansang batas sa ordinansa ng isang lalawigan at natugunan nito ang pagkabahalang humadlang sa progreso ng Tampakan project.

Kapag nag-operate ang Tampakan project, tinatayang mag-aambag ito ng karagdagang 1% sa gross domestic product ng bansa at sa  feasibility ay natasang sa paggamit ng epektibong tax rate na 71% ay makapag-aambag ang proyekto ng PhP346 bilyon sa mahigit 20 taon.

Mangangailangan din ang proyekto ng tinatayang 10,000 manggagawa sa panahon ng konstruksiyon ng proyekto at 2,000 manggagawa sa 20 taong o-perasyon.                (EC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.