Enzo Pineda, pinatunayang marunong din siyang umarte

NAGPASALAMAT SI Enzo Pineda sa pagkakasama niya sa Kakambal ni Eliana dahil napatunayan niya na marunong siyang umarte.

“Akala ko, hindi ko makakaya. Pero isinapuso ko ang lahat ng mga natutunan ko sa workshop namin. Nang kunan nga ang ‘yung big scene, I was able to give the righ emotions.

“Nagulat din sila sa set kasi akala nila hindi ko magagawa nang tama. Tingin kasi nila sa akin ay kulang pa sa life experience at dancing lang ang expertise. Nagulat silang nagawa ko nang tama ang hinihingi ni Direk Lindayag sa eksena,” say ni Enzo.

At least nagbunga ang pagtanggi niya sa dalawang indie films para makasama sa Kakambal ni Eliana. Hindi nasayang ang pagpili niya sa serye kapalit ng nasabing indie films.

Pero dalangin ni Enzo, sana raw ay may offer siya uli ng indie films para maiba naman ang mga roles na ginagampanan niya.

Lagi na lang daw good boy ang role na ginagampanan. Gusto niyang lumabas na isang sanggano o kontrabida para maiba naman daw ang madalas na gampanan na role.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.