Enzo Pineda, nagdiwang ng 22nd birthday sa Party Pilipinas

IPINAGDIWANG NG Kapuso star na si Enzo Pineda ang kanyang ika-22 kaarawan noong nakaraang Linggo sa Party Pilipinas. Napakahalaga at naging espesyal ang araw na ‘yun dahil sa hindi magkamayaw na tuwa ng mga manonood lalo na ng kanyang fans sa kanyang special dance and sing performance. Dito niya ipinakitang-gilas ang husay niya sa rap at pagsayaw habang ka-duet naman niya si Kris Lawrence.

Sobrang pasasalamat naman niya sa patuloy na suporta sa kanya ng Kapuso Network at ng kanyang mga kasamahan, at sa pa-tuloy na pagsuporta sa kanya ng mga fans. Pinasasalamatan din niya ang ang walang sawang pagsuporta sa kanya ng mga iniendorsong produkto gaya ng Vans, Flawless, Bench, Unisilver watch at iba pa.

Nag-celebrate din siya kasama ang mga streetchildren sa Rogationist Seminary, ang children center kung saan tumutulong sa pagpapakain at pagtuturo ng Katesismo sa mga bata rito.

Sa larawan naman ay kasama niya ang very proud na kanyang pamilya, si Daddy Eric, Mommy Macy at ang kan-yang Kuya Paolo. Isang simpleng salo-salo na lamang ang kanilang ginawa bi-

lang pagdiriwang.

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.