Enzo Pineda, magpapaka-daring na raw

Enzo-PinedaAYON MISMO kay Enzo Pineda na mas gumanda at mas sumarap daw ang pagmamahalan nila ngayon ni Louise delos Reyes. At looking forward daw siya sa mas mahabang taon para sa relasyon nila ni Louise.

Mas nauunawaan at naiintindihan na raw nila ngayon ang isa’t isa. Pero hindi raw ito nangangahulugan na magko-concentrate na lang sila ni Louise sa kanilang lovelife.

Gusto ni Enzo na pagbutihin pa ang kanyang acting at handa na siya magpaka-daring kung kailangan. Mas magpapaseksi na raw siya ngayon at bilang paghahanda ay magiging gym-buff pa siya para anumang oras na kailangan niyang nakahubad sa eksena ay handa siyang ilantad ang maskuladong katawan.

Nagbakasyon pala sila ni Louise sa Baler kasama ang ilan nilang kaibigan. Sinulit daw nila ang bakasyon sa pamamagitan ng surfing at nangako na babalik uli sila sa naturang lugar dahil nasarapan sa pagsa-surfing.

Hindi ba sila sumisid ni Louise sa ilalim ng dagat?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.