Enzo Pineda, game nang rumampa nang naka-brief!

SA NALALAPIT na Bench anniversary, for the first time ay game na rin si Enzo Pineda na rumampa nang naka-underwear lang.  At excited na raw siya para rito.

“Oo naman. Kasi part ako ng Bench Body,” aniya. “Sa totoo lang, pinaghahandaan ko na siya. Pinatapos ko lang ‘yong birthday ko, eh. Sabi ko sa sarili ko, after ng birthday ko, do’n na ako mag-i-start mag-work out.”

Ang girlfriend niyang si Louise delos Reyes, ano naman ang reaksiyon hinggil dito?

“Happy siya para sa akin. Kasi, nasa tamang edad na naman ako. And if you’re gonna do something like that, you really have to be proud of your body.

“Iba ‘yong confidence na kailangan kapag naka-underwear ka. Kasi some people, awkward sila kapag naka-underwear. Pero for me, confident ako. Kasi pinaghirapan ko ito para magkaroon ng magandang katawan. And not only that.  Confident ako kasi alam kong healthy ako. Na I have that extra energy especially when it comes to work.”

Gugustuhin ba niyang mapanood siya ni Louise na rumarampang naka-underwear lang o huwag na lang at baka makaramdam siya ng pagkai-lang?

“Siyempre gusto ko nando’n siya. Hindi ako maiilang na nando’n siya. Of course maa-appreciate ko let’s say si Louise pumunta. Or ‘yong iba pang mga taong importante sa buhay ko, my family. Kasi, alam mo ‘yon? Para extra support na rin. And of course, to give me that extra-push para magawa ko ang mga bagay na ito,” sabi pa ng young actor.

 

ENJOY RAW si Solenn Heusaff sa set ng Ikaw Na, The Best Ka!, ang pelikulang ginagawa niya ngayon with Jose Manalo and Wally Bayola. At excited din daw siya na almost finished na ang nasabing proyekto. Three shooting days na lang daw ang natitira.

Leading lady siya ni Jose sa nasabing comedy film. At marami ang naiintriga sa napabalitang tinanggihan siya nito na maka-kissing scene dahil comedy naman daw ‘yong pinagtatambalan nila ni Solenn kaya okey nang walang gano’ng eksena.

Hindi kaya na-intimidate si Jose na makahalikan siya?

“Ako ang na-intimidate!” sabay tawa niya. “Ang gagaling kasi nila. Sobrang comedian talaga. So, ako ‘yong parang hindi comedic. And… meron kaming mga sweet moments ni Jose sa movie. Ayaw ko lang magkuwento about this. Para abangan ng moviegoers. It’s fun naman. Kahit off cam na kami. Sobrang nakakatawa lalo na nga sina Jose and Wally. Kasi they’re always making jokes.”

Kasama rin si Solenn sa bagong action-fantasy series ng GMA-7 na Indio na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla.

“Oo. Actually, nalaman ko lang ‘yon nitong August 18 (Saturday). So… wala pa akong details that I can share. Kasi hindi ko pa alam.”

But she was told na Goddess of Fire yata ang magiging role niya. At isa siya sa magiging leading ladies ni Bong.

Nangiti si Solenn nang biruin tungkol sa tila naging tatak na nga ng action star-politician na matinik pagdating sa chicks.

“Baka ‘yon lang ang impression sa kanya ng mga mahilig mang-intriga! ‘Di ba?” natawa na namang reaksiyon ni Solenn.

“Na-meet ko lang siya once. Mabait naman siya. Pero, I cannot judge kasi I haven’t have a conversation with him.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “Enzo Pineda, game nang rumampa nang naka-brief!

  1. MGA DA HU AT STRUGGLING STARLETS NG GMEEEWWWW NUMBER ONE DAW AHAHAHAHAHAHA FLOP NANAMAN ANG LATEST MOVIE NILA JUST FLOP SUMMER

  2. dahu si enzo?

    .

    sigurado naman na magchuchukchakan sina solen at bong, what else is new sa naging mga leading ladies ni bong db? (hello jennylyn,assunta,ara mina,rufa mae).

Leave a Reply

Your email address will not be published.