Enzo Pineda, balewala lang ang break-up kay Louise delos Reyes

PARANG OKEY lang kay Enzo Pineda ang nangyaring break-up nila ni Louise delos Reyes. Hindi mo makikitang iniinda niya ito o ikinalulungkot. Iyon ang napansin namin sa kanya nang makaharap namin siya sa Party Pilipinas nitong Sunday, March 17.

Unlike Louise who is now trying to mend a broken heart. Iniiyakan pa rin daw ng aktres ang paghihiwalay nila ni Enzo. Bago ang pag-amin ni Louise na break na nga sila, na-interview pa namin si Enzo last week. Masaya pa namin siyang kausap at hindi namin natunugan na break na pala sila ni Louise.

Ang naging pahayag ni Enzo sa amin… “Actually ngayon, we’re good. Para sa akin kasi ngayon, ‘yong outlook namin sa buhay is… marami pang panahon para diyan. So ngayon, since ‘eto, marami kaming ginagawang trabaho, binibigyan kami ng magandang opportunities ng GMA, we need to make the most out of it.”

Nagbiro pa nga kami kay Enzo na hindi kaya magaya sila kina Rocco Nacino at Sheena Halili, never na umamin sa panahong mag-on sila. Saka lang no’ng nag-break na ang mga ito.

“Kami naman ni Louise, we’re good friends. So, marami pang panahon para diyan, eh. ‘Di ba?” ang naisagot lang ni Enzo.

‘Yon palang pahayag niyang ‘yon ang paramdam na break na sila. No’ng magkita nga kami ulit last Sunday, ayaw na niyang magpa-interview sa amin regarding sa break-up nila ni Louise. Abangan na lang daw namin ang sasabihin niya sa interview sa kanyang live guesting sa HOT TV pagkatapos ng Party Pilipinas.

Ganyan?

SPEAKING OF Rocco Nacino, birthday niya ngayong Thursday, March 21. Pero imbes na magpa-party, mas pinili niyang magkaroon na lang ng charity event sa Mc Donald’s sa Rockwell, Makati, kung saan magsasagawa siya ng gift-giving para sa mga batang nakikipaglaban sa cancer mula sa Cancer Warrior Foundation.

Ginagawa niya ang charity event since 2009 pa kait nini niya birthday. Last Christmas, nagkaroon din siya ng gift-giving sa PGH (Philippine Gneral Hospital) for kids with autism.

Gusto munang mag-break ni Rocco matapos ang kanyang last taping day para sa six episode series ng GMA NewsTV 11 na Bayan Ko, kung saan ginagampanan niya ang role ng isang 35-year old mayor.

“Bawi muna ako sa pamilya ko this Holy Week,” aniya. “And then magbabakasyon muna ako. Pupunta ako sa Cambodia. Fascinated ako lagi sa mga temples, eh. I like nature. I like visiting places like that. So sabi ko, gusto kong isa ‘yon sa mapuntahan ko. Isa ‘yong sa bucket list ko. I’m gonna spend siguro mga five days doon. Ako lang mag-isa ang bibiyahe. Backpacker ako.”

Kumusta naman ang na-estbalish na closeness nila ni Lovi sa ngayon? Tuloy pa rin kahit natapos na ang panghapong seryeng Yesterday’s Bride na pinagtambalan nila?

“We’re good. Hindi pa kami nakakapag-hangout lately. Kasi nga busy. But I’m still looking forward na magawa pa rin naming mag-hang-out together kapag may time na. Nakaka-miss din ‘yong closeness na meron kami.

Ano ba talaga ang meron sa kanila ni Lovi na wala sila ng ibang female friends niya?

“I don’t know. That’s the marvel of it siguro. Hindi rin namin alam kung anong meron. We just jive.”

Ano pang nakakapigil sa kanya na ligawan nga ito?

“My priorities in life. I have to work. I have to think of my career first. Saka na ‘yong mga ganyan, darating naman ‘yan, eh.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.