Environmental Summit, Tagumpay

NAGING MATAGUMPAY ang isinagawang environmental summit  na dinaluhan ng mahigit sa 500 katao mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na sama-samang inorganisa ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) at ng pamahalaang panlalawigan na ginanap sa Hiyas Pavillion sa Malolos City kahapon.

Sa temang “Effective Risk Reduction and Climate Change Adaptation Program”, bahagi ng kanilang mas pi-

naigitng na kampanya laban sa climate change upang maitaguyod ang balanse at maayos na ekolohiya.

Ayon kay BENRO chief Atty. Rustico De Belen, kabilang sa mga paksa na tinalakay ang Disaster and Climate Change; Science, Impacts and Policy Responses; Managing Disaster Risk from Natural Hazards; Managing Risks from a Changing  Climate; Katutubong Kaalamang Pangkapaligiran, Hamon sa Makabuluhang Lipunan; at Legislative Actions Addressing the Emerging Disaster Risk Reduction and Climate Change Agreement.

Kabilang sa mga tagapagsalita sina National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) Undersecretary Benito Ramos, Climate Change Commission Vice-Chair Mary Ann Lucille Sering, Bulacan State University President Mariano De Jesus, College of Social Science and Philosophy Dean Reynaldo Naguit at CIBAC Party-list Representative Sherwin Tugna.

Samantala,suportado

naman ni Bulacan Vice-Governor Daniel Feranando ang mga programang inilatag ng lokal na pamahalaan ng Bulacan kabilang na rito ang  pagpapanatili ng malinis at luntiang kapaligiran sa iba’t ibang  lugar sa lalawigan.

Kung saan layon nitong mahikayat ng mga dayuhang terorista at mga investor’s upang lumago ang ekonomiya at makapagbigay ito ng trabaho sa ating mga kababayan na siyang tutugon sa problema ng poverty sa bansa.

Bunsod nito, nagpapasalamat ang BENRO sa pakikipagtulungan ng Integrated Bar of the Philippines-Bulacan Chapter.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.