Environmental Group, Nagprotesta sa DENR kontra Philex Mining

NAGPROTESTA SA tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City ang ilang environmentalists kaugnay ng umano’y muling pagpayag sa operasyon ng Philex Mining Corporation.

Sinabuyan ng putik ng grupong Kalikasan People’s Network ang larawan nina Pangulong Beningo ‘Noynoy’ Aquino III, Environment Secretary Ramon Paje at Manny Pangilinan ng Philex.

Sinabi ng pinuno ng mga raliysita na si Clemente Bautista na mistulang sunud-sunuran ang Palasyo at DENR sa malalaking mining company upang patuloy na sirain ang kalikasan.

Ipinaliwanag din ni Mines and Geo Sciences Bureau (MGB) Dir. Leo Jasareno na binigyan lamang nila ng apat na buwan ang Philex upang punuan ang mga butas sa tailings nito kasunod ng pagbabayad ng mahigit P1 bilyong multa.

Hindi aniya ito na-ngangahulugan ng pagpayag sa muling operasyon ng Philex.

Samantala, muli namang inihirit ng Kalikasan People’s Network na ibasura ang Mining Act of 1995.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.