Enrique Gil, tinablan sa crush na si Bea Alonzo?!

SA PASSIONATE kissing scene nina Bea Alonzo at Enrique Gil sa pelikulang She’s The One na dinirek ni Mae Cruz para sa Star Cinema,  aminado  ang binata na na-tensyon siya sa eksena.

Bea-Alonzo-Enrique-Gi;Sa presscon nang tanungin, na-rattle at nalito si Enrique sa isasagot sa tanong sa kanya. Pero si Bea, kampante. Alam ang gagawin sa mga kissing scenes tulad sa ginawa nila ni Enrique.

Dahil bagets at still very hot at his age, true ba ang balita na tinablan (read: tinigasan at nakuryente) si Enrique sa passionate kissing scene nila ni Bea?

 

NAPANOOD NAMIN yong interview kay Sen. Jinggoy Estrada sa TV Patrol last Tuesday evening.

Aminado siyang hindi siya mapagkakain after lumabas ‘yong Pork Barrel Scam at ang pagkaugnay niya diumano kay Janet Lim Napoles na siyang may salarin para sa kanyang walang gana sa pagkain at sa sleepless nights na rin marahil.

Matamlay si Sen. Jinggoy na tunay naman na pumayat na bagay lang na tawaging “Sexy” na siya mismo ay gusto na ring sakyan ang biro ng sambayanan sa kanya.

That same night, nakasama namin sa isang very intimate showbiz party ang misis niyang si Precy Ejercito na the last time na nakatsika namin ay medyo malaki ang ibinawas niya sa timbang kumpara noon.

Hindi kami nakapag-tsikahan. Gustuhin man namin na makausap sa anggulong “human interest” at reaksyon niya sa mga kaganapan; ang malapit niyang kaibigan na personal din naming kakilala ang nagsabi na kaagad sa amin na, “Ayaw ni Precy. Hindi nga ako nakapakinig sa interview ni Jinggoy earlier,” sabi nito sa amin na kilala rin si Ms. “Piggy” nang personal.

Pa-observe-observe na lang kami. Gustuhin man naming makasingit, hindi na nag-table hopping si Precy. Pero late that evening, para ma-enjoy ‘yong party, nag-duet diumano si Mrs. Estrada at ang anak niyang konsehala ng San Juan pero hindi na namin inabot at nag-French leave nga kami.

Comparing sa ilang mga okasyon na nakikita namin si Precy, mababasa mo na malalim ang dinadala niyang problema. Kakilala ng entertainment press sa mga showbiz parties and events, that night nakaupo lang siya sa mesa kasama sina Lorna Tolentino with his two sons; Malu Choa-Fagar (of Eat Bulaga), Ali Sotto and Bibeth Orteza na kasama ang binatang anak na si Rafa Reyna na may boses din para kumanta na balita namin ay papasukin na rin ang showbiz.

 

ANG GANDA ng short hairstyle ni Lorna Tolentino that night sa very exclusive party na dinaluhan namin. Sabi niya, “Inspired kay Anne Hattaway,” sa pelikulang Les Miserables sabi niya.

Pagdating  niya sa pagtitipon, nag- picture-piktyuran muna kami na naroroon with her. Beautiful naman kasi ang “Lola” mo lalo na’t with her very sexy hairstyle.

Kay LT namin nalaman na palabas na sa Lunes, October 14, ang pelikula niyang Burgos na dinirek ni Joel Lamangan. Walang kaabug-abog, huh!

We love the film because of the advocacy na gustong itawid ng kuwento ng pagdukot kay Jonas na anak ng mag-asawang Joe Burgos at Editha.

Masakit sa dibdib ang pelikula na humihimay sa emosyon na pinagdaraanan ni Editha (played by LT) sa panahon na nawala siya at sa paghahanap nila at magpasahanggang ngayon na naghihintay pa rin bilang ina na balang araw ay kakatok na lang sa pintuan ng bahay nila at tatambad si Jonas para mayakap ang ina.

Right after ng premiere showing ng pelikula (as a closing film) sa Cinemalaya sa CCP a few months ago at sa magandang review (lalo na sa acting ni LT); magandang timing na sana dahil nasa kamulatan ng publiko ang movie at naging usap-usapan ito.

Hoping na maitawid ang mensahe tungkol sa mga nawawala (desaparecidos) para malaman ng mamamayan ang mga kaganapan sa panahon ng ligalig pa rin, kahit tinatahak na raw natin ang matuwid na daan ni PNoy.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Enrique Gil, tinablan sa crush na si Bea Alonzo?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.