Enrique Gil, si Liza Soberano lang pala ang hinihintay

Enrique-Gil-Liza-SoberanoMAGANDANG FOLLOW-UP project para kina Enrique Gil at Liza Soberano after the suuccess of their first teleserye team-up in Forevermore, ang bigyan agad sila ng pelikula. Kumbaga strike while the iron is hot kaya timing ang paglu-launch ng kanilang tambalan sa pelikulang Just The Way You Are na prinodyus ng Star Cinema. Tiyak na matutuwa ang mga nabitin sa kanila sa serye at sumisigaw ng “more”.

Kita mo nga naman, kung sinu-sino na ang ipinareha noon kay Enrique sa TV, pero si Liza lang pala ang maghahatid sa kanya ng “full stardom”. Naging hit ang teleserye nila, tapos heto, may movie pa sila, huh! Bongga talaga.

Kunsabagay, may kakaibang magic talaga sa tambalang LizQuen. Cute at klik sa tao ang eksenang hindi pa puwedeng magpaligaw si Liza. Ina-admire naman ng mga kababaihan at pati na rin ng boys ang pronouncement ni Enrique na handa niyang hintayin ang dalaga kapag nasa tamang edad na ito. Aba, walang ganyang loveteam sa panahon ngayon sa showbiz, ‘di ba?

Liza is also a very good role model para sa mga kababaihan na inuuna ang career bago ang makipaglandian at magka-boyfriend. Mabuti na rin lang at masunurin siyang talent kay Ogie Diaz, kaya naman puro positive at magaganda ang feedback sa kanya. ‘Yung iba kasi riyan, bata pa lang kumikiringkeng na. Hahaha!

Ipalalabas ang Just The Way You Are sa June 17. Marami rin silang international premiere at block screenings courtesy of their fans kaya tuwang-tuwa sina Liza at Enrique.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleAi-Ai delas Alas, nalulungkot sa pagsemplang ng soap
Next articlePast Issue Pinoy Parazzi Vol 8 Issue 71 June 8 – 9, 2015

No posts to display