Enrique Gil: Leading Man in the Making!

ISA SA itinuturing na paborito ngayon ng ABS-CBN ang Cebuano cutie na si Enrique Gil. Hindi pa man siya full-blast na gino-groom bilang leading man, never naman itong nabakante kung proyekto rin lang ang pag-uusapan. Sino ba naman ang bebot at badet na hindi kinilig nang ipauso niya ang sexy way of dancing ng ‘Teach Me How To Dougie’, ‘di ba?

Si Enrique Mari Bacay Gil o Enrique Gil ay ipinanganak sa Cebu City noong ika-30 ng Marso, 1992. Siya ang ikalawa sa tatlong magkakapatid ng mag-asawang Ricky at Bambi Gil. Unang naging talent ng STAGES ang binata nang mag-audition ito at pinalad na makapasok sa Star Circle Batch 16 noong 2008.

Lumabas ito sa mga programang Pieta, I Love Betty La Fea, Shout Out at Rosalka. Isinali rin siya sa grupong Gigger Boys na kinabibilangan din nina Enchong Dee, Sam Concepcion, Robi Domingo, Chris Gutierrez, Aaron Villaflor at ang namayapa nang si AJ Perez.

Napansin ng madla ang galing ni Enrique Gil sa pag-arte nang gampanan niya ang papel na Michael Miranda sa TV remake ng Mula sa Puso. Siya ang humalili sa karakter noon ni Diether Ocampo at dito’y nakipagsabayan siya sa aktingan kina JM de Guzman at Lauren Young, na bida sa programa. Pinili rin siya bilang bida sa Sunday teen drama show na Good Vibes kasama si Sam Concepcion. Silang dalawa rin ang pumalit kina Albie Casiño at AJ Perez bilang leading men nina Kathryn Bernardo at Julia Montes sa pelikulang Way Back Home.

Nag-trend sa Twitter ilang buwan na ang nakararaan ang pagsayaw ni Enrique Gil ng Teach Me How To Dougie sa Gandang Gabi Vice. Regular din itong umiindak sa ASAP tuwing Linggo at promising din ang performance niya sa Budoy. Good points din ang natamo niya sa kanyang pagrampa sa Cosmopolitan Bachelor’s Party ngayong taon. Sa sobrang hot ng da-ting ng binata, pasok na ito agad bilang leading man ni Kathryn Bernardo sa upcoming primetime series na You’re Always in My Heart.

Sa sunud-sunod na biyayang natatamo ni Enrique Gil mula sa kanyang home network, hindi na kami magtataka kung siya na ang maging isa sa Prinsipe ng ABS-CBN. Ipagpatuloy lang ang paggiling at pagpapaligaya sa mga tagahanga mo, dude!

 

For comments, questions and suggestions, kindly e-mail us at pinoyfansclub@gmail.com. Visit our website at http://www.pinoyfansclub.com

By Mica Rodriguez

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

loading...

One thought on “Enrique Gil: Leading Man in the Making!

  1. Thanks for the article! Enrique Gil is definately one for my current favourites among Kathryn Bernardo! I love their tandem, so I was happy to read that he is the leading man for her in “You’re Always in my Heart”. Although I know she has two other leading men, pero KATHQUEN talaga ako. Please write more articles about them they are so kilig on and OFF screen!!! Super cute sila and honest naman si Enrique about his feeling for Kath (snn, e-live etc.) So I hope to read more about them!

Leave a Reply

Your email address will not be published.