Enrique Gil, kabado sa teleserye nila ni Julia Montes

ISANG MALAKING kaba para kay Enrique Gil ang muli niyang paglabas bilang isa sa mga bida ng teleseryeng Muling Buksan Ang Puso ng ABS-CBN dahil dito ay sila na ni Julia Montes ang magka-loveteam pagkatapos na ang young actress ay ipareha kay Coco Martin sa naging matagumpay na teleseryeng Walang Hanggan. Nakaraos na kasi sina Coco at Daniel Padilla, habang nabigo sina Albie Casiño at ‘yung anak ni Cesar Montano.

Huling napanood si Enrique sa teleseryeng Princess And I kasama sina Daniel at Kathryn Bernardo. Nagpamalas si Enrique ng kakaibang husay niya sa pagganap sa nasabing serye, kaya masasabing leading man material na talaga siya lalo pa’t maganda rin naman ang kanyang height. Pero si Daniel naman talaga ang pinasisikat sa nasabing teleserye at nagtagumpay naman ang Dos sa layuning iyon, kaya ngayon pa lang magaganap ang pagpu-push nila sa kasikatan ni Enrique.

Dahil bagets pa talaga si Daniel, kaya nakalinya pa siya sa larangan ng pagpapa-cute sa mga fans. Ibang level ng kasikatan ang dapat saktong makuha ni Enrique, dahil aminin man o hindi ay nariyan na talaga ang katotohanan ni hindi puwedeng maging bata habampanahon sina Piolo Pascual, Sam Milby, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Diether Ocampo at Gerald Anderson. Bukod sa mga nabanggit ay kailangan na siyempre ng showbiz ng bagong hahangaan. Kanya-kanyang panahon lang ‘yan.

 

MILYONARYA NAMAN kasi si Amalia Fuentes, kaya nu’ng maramdaman niyang ayaw muna niyang mag-showbiz ay wala talagang nakapilit sa kanya na gumawa ng pelikula o lumabas sa telebisyon nang mauso ang mga teleserye. Nagpahinga talaga ang dating movie queen, dahil mahabang panahon din naman ang ginugol niya sa pag-aartista at sumabak din naman siyang maging movie producer noon sa pamamagitan ng AM Productions na nakagawa rin ng marami at magagandang pelikula.

Nu’ng namamahinga na si Amalia sa showbiz, hindi naman siya nakalimot sa mga dati niyang kaibigang mga artista, dahil mayroon siyang communication sa mga artistang nakasabayan niya noon. Simple ang buhay na ginusto ng ex-wife ni Romeo Vasquez, dahil kuwento ng mga tindera sa Farmer’s Market d’yan sa Cubao, namamalengke raw ang beteranang aktres sa simple niyang ayos na walang make-up, dahil hindi nga naman haharap sa kamera.

Tulad ng ibang beteranang aktres na umiwas muna sa limelight, si Amalia ay tumaba rin, pero napakaganda pa rin ng mukha. Sa dami ng kumumbinsi sa kanya na muling umarte, ngayon lang siya muling napapayag, dahil mapapanood na siya sa isang bagong teleserye ng ABS-CBN, kasama ang karibal niya dati sa popularity na si Susan Roces, na sa totoo lang din ay malapit niyang kaibigan dahil ang wife ni yumaong Fernando Poe, Jr. ang ninang ng kanyang anak na si Leizel Martinez.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

19 thoughts on “Enrique Gil, kabado sa teleserye nila ni Julia Montes

  1. Hindi naman sa favorite si Julia talagang nakitaan lang siya ng galing. versatile naman c Julia eh! kaya ang daling makahanap ng role for her. at isa pa hindi naman yan sa edad nakabase eh nasa tagal mo sa showbiz at galing. matagal tagal na rin c Julia, kaya lang 2 pa lang ang major teleseryes niya at pang 3rd ang MBAP,pero nagpakita naman siya ng galing kaya madaling napansin.

  2. It doesn’t matter sino mas sumikat sa p&i, the most important thing is that enrique proved how good actor he is ksya di sya naiignore, from the fact that everytime you see him on screen mageenjoy ka tlaga tinganan sya, umiiyak man or nkatwa… yung fact na versatile na kahit sino pwede, sikat na sya, maybe mas sumikat nga si dj,but until when and what role can abs give him? pbalik2 pacute na badboy? nakakasawa un… for enrique fans, there’s nothing to worry, ang kasikatan ni enrique ay dahil sa talent at hindi sa dahil sa apelyido lang, anybody sees how good he is and jung gaano sya kabuting tao, in the end pag ang fans naumay na sa gusto nilang personality hahanapin nila kung sino ba ang good role model, and we know enrique is on top of the list:)

  3. Ang please be fair to Enrique … Daniel Padilla is only a hype na nakakaasar panoorin ! Mayabang at kala mo kng sino , maworkshop siya at sana ayusin nia ang ugali nia…. We are so excited sa teleserye ni Enrique, ang galing nia umarte at marespetong bata, pinalaki ng maayos ng magiulang.

  4. Enrique is already popular and that’s proven! He’s a good actor, dancer and a certified leading man.. di kailangan mag-stick sa isang Love Team para sumikat… ang tunay na leading man ay di limited ang role na kayang gampanan at kahit sino ang i-partner mag-click agad…

  5. fYi ang princess and I was made for Enrique and Kathryn at alam nio ba na andaming nbuwisit sa ending nun kaya mega bawi sila Kay Enrique, sinakripisyo nila ang magandang storya sa Hindi marunong umarte tulad ni Daniel Padilla no offense.. But Enrique deserves to be the lead, ang mga fans niang nagpptrend Kuno ay may mga gamit na software… Naloko n nmn abs cbn na akala nila si Daniel  gusto ng tao! Tsk… We love enrique, he is a good actor and we will defend him no matter what at take note Hindi sya mayabang di tulad ng iba dyn.hmmmp!

  6. Anong klaseng article ba to? parang walang kwenta ang pagkakasulat… ang babaw naman dyan sa height chorba mo..  di yan basehan sa pagiging leading man! FYI, yung nangyari sa PAI hindi demoted si Enrique.. may demoted bang naging I ( Princess and I ) in fact, mas demoted pa nga sa acting yung iba di tulad ni Enrique na pinatunayan talaga ang galing sa pag-arte at talagang napaka-husay niyang ginampanan ang character niya… sayang yung serye na yun, they ruin the story! pero looking forward sa Muling Buksan ang Puso, kayang-kaya ni Enrique at Julia ang magpakilig, they deserve this serye… at hayaan nyo sarili nyong mahulog sa tandem nila…. #justsaying

  7. I really cannot understand this story, at bakit naman sila Amalia Fuentes and Susan Roses ang mga lead star dito, halos mga lola na sila. For sure hindi nila anak si Julie and Enrique Gil dito. Sino kaya ang maging nanay at tatay ni Julia at Enrique Gil. Malakas talaga sa ABS si Enchong Dee hindi pa nga natatapos iyon Ina,Anak, Kapatid mayroon na agad siya soap. Marami pa naman mas magaling kay Enchong bakit siya pa. Just asking….

  8. Bakit kasi nandito pa si Enchong. GRR. May potential naman talaga kasi si Enrique na maging isa sa mga prime leading men ng ABS kaso dahil may kaagaw na naman siya dito mukhang di na naman matutuloy. Ayoko ng mag-rant about sa ending ng P&I, tapos na yun. Sana lang dito sa MBAP mag-shine na talaga siya to the point na alisin si Enchong sa serye. Wahahaha! Excited na ko dito sa MBAP, wag lang talagang baguhin ang original LT dito which is JULQUEN.

  9. Just saw the trailer. Nakakapikon na ang ABS-CBN ah!
    Lagi na lang demote si Enrique! Sa P&I one of the leading men, tapos dito we thought sila ni Julia ang bida, tapos na demote na naman dahil biglang sulpot si Enchong na mukhang lead, meaning makikipagagawan na naman! And bakit biglang sulpot dito ni Enchong? Eh may IKA pa sya!

    Also, kina Enrique at Julia, mas deserve ni Enrique ang 1st sa billing! Obviously peyborit ng ABS-CBN si Julia pero ang bata pa nya! Naunahan pa talaga si Erich Gonzales na magbida sa primetime to think that she’s a Primetime Pricess with 3 highly successful title roled seryes on Primetime! And di porket hit ang MC at WH eh kaya na nya, eh diba syory at ibang characters sa WH ang nagpa Hit dito?

    Competitive ang girls sa ABS-CBN kaya dapat slow down sila sa pag groom kay Julia dahil yung iba, wala pa nga sa status nina Judy Anne/Claudine/Kristine, all out na agad sila eh paano na sina Bea, Angelica, Kim, Erich na 4 na Prime Girls? Nakakahiya kasi sila naghintay, may napatunayan, napaghirapan ang status nila para marating yun kaya sana fair sila dahil parang they are handing FAME to Julia on a silver platter na wala man lang paghihirap! Pero like ko naman si Julia kaya lang masyadong mabilis. 

    And dahil nga competitive sa girls, mahirap sila makahanap ng another ideal leading man! Right now si Piolo, Sam, Gerald, at Coco. And si Enrique ang perfect na maachieve ang status na yan pero laging demote dahil mas priority ang girls! Dapa mas mag risk sila sa pag groom sa guys dahil napaka rare ang may K maging Top Leading Man, pero sa girls ang dami!

    Dumagdag pa si Enchong and based sa trailerganito na ang billing:
    Enchong Dee, Enrique Gil and Julia Montes
    Oh diba demote na naman! 

  10. AT LEAST, MAS BAGAY SINA JULIA AT ENRIQUE. KAYSA NAMAN SA COCO-JULIA NA PARANG MAG-AMA NA. HAHAHAHA

    • Super agree! Ang incest nga nung CocoJul na loveteam :P Julia was only 16 when they done Walang Hanggan. Then she was still 17 when they done A Moment In Time and Coco is 31 years old!! Now that Julia is 18 kadiri parin ang loveteam nila! 13 years age gap :/

      Tapos yung promotion nila sa movie talagang publicity at it’s best. Then the issue na ‘nililigawan daw ni Coco si Julia’. So kamusta naman yun? Now their loveteam’s slowly fading :D

      Can’t wait for Muling Buksan Ang Puso- the JulQuen and ChongLia loveteam :)

  11. si daniel padilla daw ang pinasisikat sa princess and i. kuna alam mo lang kung paano pilit na ibinabagsak si daniel sa serye na yun in favor of enrique gil kaso lang mas malakas talaga ang hatak ni daniel sa audience kaya ang nangyari kabaligtaran.. FYI, ang princess and i ginawa talaga para kay kathryn at enrique.

Leave a Reply

Your email address will not be published.