Enrique Gil, isinakripisyo ang lovelife

Enrique-GilPATULOY NA gumaganda ang takbo ng showbiz career ni Enrique Gil, dahil mayroon din naman siyang mga bagay na isinasakripisyo para matupad ang kanyang mga pangarap. Hindi rin naman kasi biro sa ‘tulad niyang isang kabataan na napakaguwapo ‘yung ipagpaliban muna ang sagarang saya na magkaroon ng lovelife. Laging mayroong kuwento sa pakikipagkilala niya sa maraming babae sa loob at labas ng showbiz, pero parang hindi muna siya seryoso.

Sa likod ng kamera ay sobra raw maingay at mapagbiro si Enrique na akala mo’y hindi seryoso. Pero pagdating sa kanyang trabaho ay narooan ang kanyang kaseryosohan, dahil alam niya sa kanyang sarili na hindi siya dapat magpabaya. Kaya nga, malaki ang tiwala sa kanya ng Star Magic ng ABS-CBN, kaya naman hindi na siya halos nababakante sa paggawa ng pelikula at teleserye. Pagkatapos ng teleseryeng Muling Buksan Ang Puso, nasa Mirabella rin siya.

Sina Sam Concepcion at Diego Loyzaga ang may mahahalagang papel na pambida sa nasabing teleserye, pero biglang si Enrique ang napunta sa mas mahalagang papel. Walang sinagasaan si Enrique kina Sam at Diego. Nagkataon lang na kumpara kina Concepcion at Loyzaga ay mas hinog na talaga si Enrique para magbida. Mukha pa kasing mga totoy sina Sam at Diego na parang may gatas pa sa labi, samantalang si Enrique ay mukhang masarap nang halikan sa labi.  Ganu’n ang tindi.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Enrique Gil, isinakripisyo ang lovelife

Leave a Reply

Your email address will not be published.