Enrique Gil, hiyang-hiya ‘pag tinutukso sa crush na si Bea Alonzo

Enrique-Gil-Bea-AlonzoSA TINGIN ko kay Bea Alonzo nagsimula ang “HOT” issue about Enrique Gil.

Bago pa man kasi ‘yong press launch nila ng She’s The One ng Star Cinema (showing ngayong araw), mas nauna ang statement ni Bea na “hot” si Enrique matapos niyang mapanood ang show ng kaibigan na si Vice Ganda sa Araneta Coliseum na ipinalabas sa TV, kung saan nagpamalas ang binata ng kanyang galing sa pagsayaw with matching giling at ang kanyang sagad sa laman na “kadyot”, kung saan sa bawat sexy moves niya, ang mga girls, laglag-panty sila sa King of the Gil.

Kung sa presscon ay namumula si Enrique kapag tinutukso kay Bea, diyaheng-diyahe ang binata. Pero with the info na galing mismo kay Vice, alam na natin kung sino ang culprit sa panunukso on Bea and Enrique but no less than the actress herself.

What if walang Zanjoe Marudo ang dalaga at ligawan siya ni Enrique na openly ay vocal sa kanyang paghanga sa dalaga, they are both lovely to look at. Guwapo at maganda sila. Effect ang kumbinasyon nila kung saka-sakali na for Enrique, ang agwat ng edad nila ay hindi isyu.

Enrique-Gil

KUMBAGA SA lalaking mamahalin, pakakasalan at makakasama mo habambuhay, wala na nga marahil papantay pa sa katauhan ni Dingdong Dantes.

Kaya nga suwerte si Marian Rivera at si Dingdong ang kapartner niya. Sabi nga, sa tinagal-tagal ng pagmamahalan nilang dalawa, kasal na lang ang kulang.

Compatible silang dalawa. Ang mataray image ng dalaga, submissive naman sa binata kapag silang dalawa na. Hindi insecure si babae sa kabila ng kaguwapuhan ng boyfriend niya. Wala kaming nabalitaan (totoo man o tsismis) na ang tampuhan nila (kung meron man) ay dahil nagselos si Marian sa guwapo niyang boyfriend o ‘di kaya’y may ibang GF.

Hindi maiiwasan na kahit sinong babae, maglalandi kay Dingdong kung may pagkakataon. Habulin ng babae kasi ang tindig. All angles wala kang itatapon. Ang porma ng binata ay boyfriend and husband material, ‘ika nga.

Kung ikukumpara si Dingdong sa isang magarang kotse na hindi basta-basta, loaded at ang leather seats mabango at hindi pipitsugin.

Tulad last Monday sa morning show ni Kris Aquino, ipinakita ng binata ang kanyang expensive sports car. Kinorek niya ang tawag sa kotse niya. “It’s a touring car (tipong pang-joy ride).”

Its shiny black, pang-porma, Italian car na napansin ni Tetay at nagtanong kung bakit dalawa ang tambutso nito na kumpara sa pangkaraniwan ay isa lang.

Si Dingdong na guwapo, mabangong tingnan (always fresh looking naman kasi) at sakay ng kanyang kotseng pang-porma, kahit sino mapapalingon. Kahit sinong babae mangangarap na makasakay sa front seat ng kotse niya at makatabi ang aktor.

Pero committed na nga siya kay Marian, “she’ the one,” na sinabi na niya noon pa. Kung walang hitches at aberya, ang dalaga ang babaeng ihahatid niya sa harap altar.

Kuwento niya, he drives that black expensive car on Sundays o kung naka-day off ang driver niya. “If I visit my parents, ‘yun ang minamaneho ko,” sabi niya

Maging ang girlfriend niya hinihiram kung minsan ang pinakamahalagang bagay na ‘yon sa buhay niya. “It’s okey. Madaling palitan ang material things, pero ang tao na importante say ‘yo, ‘yun ang mahirap palitan ‘pag nawala,” pertaining to his one and only love na si Marian.

 

CONNECTED PA rin pala ang Viva Hot Babes sa isa’t isa kahit ilan sa kanila hindi na active sa showbiz.

Every Thursday, may dinner-get together sila ayon sa kuwento ni Jennifer Lee (VHB Batch 2) sa amin kamakailan sa opening ng Kirei Medical Group na paga-ari ng kaibigang Jennifer Geroche recently.

Balita ni Jen sa amin, si Maui Taylor, very much in love sa Chinese boyfriend niya kung saan regular client niya ito sa kanyang online business na Lee Luxe (check out their FB) that sells expensive designer bags like Chanel, YSL at mga bags na nagkakahalaga ng almost 600 thousand pesos ang isa.

Bukod sa bags, Jen is opening a Mediterranean restaurant-bar in Makati come December together with her schoolmate called Moonshines. This time, patutunayan niya ang galing niya sa pagluluto where she finished a four-year course in culinary sa exclusive Enderun College sa The Fort.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

5 thoughts on “Enrique Gil, hiyang-hiya ‘pag tinutukso sa crush na si Bea Alonzo

  1. yung movie na ksama c miss lorna dba mlaking flop yun?yung cla ni echo yung cla ni sam milby yung dreamboy at marami png iba..

    • Pake mo naman kung tinigasan ng burat yan si starlet? Hindi ka naman ang bubugahan niyan ng tamod. Jusko, kahit wala namang kalibog-libog yung balita, ginagawa mong parausan. Patingin ka na sa psychiatrist teh! Hakhakhak!

      • Shena, hindi starlet si Bea. Blockbusters ang lahat ng movies niya. Malamang, blockbuster din ang movie nila ni Dingdong. Oo nga pala, kumusta naman ang kung fu divas ng flop queen mo na si Mariantot ? Flop daw ulit. Kawawa naman. At saka, pansin ko, parang may gusto si Dingdong kay Bea. Pansin ko kasi sa Gandang Gabi Vice noong mag guest sila. Say mo, shenantot ?

Leave a Reply

Your email address will not be published.