Enrique Gil, ABS-CBN’s newest favorite talent?!

MASUWERTE SI ENRIQUE Gil sa dami ng blessings na dumara-ting sa kanya. Kahit baguhan pa lamang ang binata sa bakuran ng Star Magic, sunud-sunod agad ang project na ibinibigay sa kanya ng Kapamilya Network. Kapansin-pansin ang mahusay niyang pagganap bilang Troy Cabrera, the illegitimate son sa Good Vibes with Sam Concepcion.

Sa dinami-rami ng baguhang artista sa ABS-CBN, nauna pang mabigyan ng break itong si Enrique. “I’m super happy po. I really work hard at nakita ng director na I’m perfect for the role kaya sa akin napunta ‘yung project. Everybody naman can get a role, depende lang po ‘yun sa director. Everybody naman po has a time para mabigyan ng break, ‘yung role na perfect for them so, ‘yun po.”

Marami ang nagsasabing nagiging paborito raw si Enrique ng mga director sa bakuran ng ABS. “Hindi ko po alam, nag-audition naman po ako for the role. One hundred twenty po ang nag-audition, pabalik-balik kami so, hindi po hand-picked. Right time lang, nagustuhan ako ni Direk Wenn (Deramas) as Michael sa Mula sa Puso. I feel blessed talaga and thankful sa break na ibinigay nila sa akin.”

Ayon kay Enrique, mas feel niya ang mag-drama kaya kina-karir niya ang pag-arte. Gusto niyang maging dramatic actor someday. Kailan lang nabalita na nagkaroon daw ng hindi pagkakaunawaan ang young actor at si Enchong Dee dahil kay Erich Gonzales na agad naman pinabulaanan nito. “Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng issue na ganu’n. Noon sa ASAP sa Cebu nga, nag-uusap pa kami ni Enchong . Kahit hindi kami madalas magkita we’re friends naman po.”

May plano ka bang ligawan si Erich? “Ano lang po, text lang. Wala pa sa isip ko ‘yun, kasi priority ko ngayon ‘yung work. ‘Yung character ko sa soap. Hindi ko pa talaga naiisip ang bagay na ‘yan at this moment.”

Sa ngayon, walang plano si Enrique na ligawan si Erich because of Enchong, pero inamin niyang crush niya ang dalaga. Sa isang interbyu kay Erich, sinabi nito na may bago siyang inspirasyon, si Enrique kaya ang tinutukoy niya? “Hindi ko po alam,” matipid na sagot ng binata. May balita pang may violent reaction daw ang mga fans nina Erich at Enchong. “Wala akong alam, baka siguro mayroon hindi ko lang alam. Siguro sa Facebook at Twitter, baka mayroon, kasi hindi kasi ako mahilig mag-Facebook at Twitter dahil busy po ako.”

Nang dahil sa pagkakaugnay ni Enrique kay Erich, inuulan na siya ngayon ng intriga at naaapektuhan ang binata. “Sana naman makita nila ‘yung good side of me, sana ma-inlove sila sa totoong Enrique.”

Ikinuwento ni Enrique na sana raw ay magkakasama sila nina Erich at Enchong sa teleseryeng Maria La Del Barrio kaya lang mas pinili niya ang soap na Mula Sa Puso. Wala naman siyang panghihinayang na hindi sila nagkasama sa iisang project. “Sana nga po, nauna po kasing ini-offer sa akin ang MSP so, parehong mag-uumpisa na ang taping so, ‘yun po.”

Pasikat na nga si Enrique, kayanin kaya niya ang mga intrigang ibabato sa kanya in the near future? “Siguro naman po, as long na hindi totoo ‘yun, it don’t bother me. My family knows me kaya okey lang ‘yun,” aniya.

BONGGACIOUS ANG BAGONG Digital television (DTV) na ilalabas ng ABS-CBN. Ito’y makabagong teknolohiya kung saan digital transmission ang ginagamit sa pagbo-broadcast ng mga TV network. Magbibigay ito ng mas malinaw na reception at mas malinis na audio para sa lahat ng channels.

Sa paglulunsad ng ABS-CBN DTV, limang bagong channel pa ang dinebelop para sa iba’t ibang miyembro ng pamilya ang mabubuksan. Nasa final stage na ng testing ang kanilang digital TV na para kang nanonood ng DVD. Kapag bumili ka ng digital box, para ka lang bumili ng DVD player. Wala ka nang babayarang monthly bills as in malinaw mong mapapanood ang mga channels, ABS-CBN, Studio 23, GEM at NBN. Ito’y sagot sa malabong channel lalo na sa mga liblib na lugar sa iba’t ibang probinsiya. Puwede mo pang bitbitin ang digibox kahit saan ka magpunta. Sosyal, ‘di ba?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Enrique Gil, ABS-CBN’s newest favorite talent?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.