Enrile, Wala Nang Balak Mag-Resign

WALA NANG balak si Senador Juan Ponce Enrile na magbitiw bi-lang Senate President.

Ginawa ni Enrile ang nasabing pahayag sa kanyang pagtanggap ng Lifetime Achievement Award mula sa People Asia Magazine Lunes ng gabi.

Sinabi ng pangulo ng Senado na anim na sesyon na lang ay matatapos na ang hu-ling termino niya sa Senado kaya hindi na niya naiisip na magbitiw pa bilang Senate President.

Una nang sinubukang maghain ng resignation ni Enrile bilang lider ng Senado, pero kinontra ito ng mayorya sa harap ng kontrobersya sa cash gifts ng mga mambabatas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.