Enrile, may ikakanta

NAKATAKDANG MAGBIGAY ng kanyang privilege speech si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ngayong Miyerkules, pero tumanggi siyang sabihin kung may kinalaman ito sa diumano’y P10  billion “pork barrel” scam.

“Factual” umano ang magiging speech ni Enrile, pero hindi naman daw kasing tindi ng bagyong Yolanda.

“Yeah, tomorrow. I will just say something,” banggit niya sa mga reporter kahapon nang tanungin kung totoong magbibigay siya ng privilege speech.

Nang tanungin kung ‘explosive’ ang kanyang magiging pahayag, ani Enrile: “Hindi naman. Hindi naman ako Yolanda, eh. Factual lang ang sasabihin ko.”

Kabilang si Enrile sa tatlong senador na una nang kinasuhan ng Plunder sa Ombudsman kaugnay ng pork scam.

Hindi na nagbigay pa ng ibang pahayag si Enrile at hintayin na lang daw ang kanyang sasabihin ngayong araw.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.