Enrile, magtsa-cha-cha

MISMONG SI Senate President Juan Ponce Enrile ang mangunguna sa paghahain ng resolusyon para sa pag-amyenda ng Saligang Batas sa panig ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni Enrile na kung walang ibang senador na maghahain ng resolution sa Senado ay siya na mismo. Ngunit kailangan aniyang mauna sa Kamara de Representantes dahil ang mga Kongresista ang direktang representante ng taong bayan at sa ganitong paraan ay malalaman ang pulso ng publiko kaugnay ng Charter change (Cha-cha).

“Of course, once they file it in the House, we will file it in the Senate. If no one else will file it, I will file it in the Senate,” ani ng Senador.

Pagkatapos umano ng state of the nation address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino , maaaring masimulan na sa Kamara ang inisyatibo para sa pagsilip ng mga probisyon ng Saligang Batas na dapat baguhin.

“This kind of amendment would be done by the Congress sitting as a Constituent Assembly. We do not need to meet jointly. They can pass it in the House. We can pass it in the Senate with the required number of votes under the constitution,” saad pa ni Enrile.

Inaasahan na magkakaroon pa ng pagpupulong sina Enrile at House Speaker Feliciano Belmonte para maisakatuparan ang Cha-cha.

Ngayon pa lamang, tiniyak na ng pangulo ng Senado na tanging economic provisions lamang ang kailangan amyendahan sa Saligang Batas kung saan mananatili aniya ang karapatan ng Filipino nationals.

Ang inisyatibo ng dalawang kapulungan ng Kongreso ay sa harap ng sina-sabing pagiging malamig ng Palasyo sa pag-amyenda ng 1987 Constitution.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.