Enrile, Kinasuhan sa Ombudsman Dahil sa Brady Notes

 

SINAMPAHAN NG patung-patong na kaso sa Office of the Ombudsman si Senate President Juan Ponce-Enrile dahil sa umano’y pagsasapubliko nito ng notes ni Philippine Ambassador to China Sonia Brady.

Batay sa 18-pahinang complaint ng grupong Maypagasa, sinasabing nilabag ng pangulo ng senado ang iba’t ibang probisyon sa batas kabilang ang Article 118 o Inciting to war or giving motives for reprisals; Article 154 o unlawful use of means of publication at Article 229 o Revelation of secrets by an officer, ma-tapos nitong isiwalat ang isang lihim na usapan sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas.

Kabilang din sa isinampang kaso kay Enrile ang paglabag sa Section 3 ng Republic Act 3019 o Anti-graft abd Corrupt Practices Act at section 17 ng RA 6713 o ang Prohibited Acts and Transaction.

Sinabi ni Maypagasa spokesperson Roel Garcia na nalagay sa alanganin ang posisyon ng pamahalaan ng bansa nang isiwalat nito ang umano’y maseselang impormasyon hinggil sa nagaganap na negosasyon kasama ang bansang Tsina.

Maaalala na sa mismong plenaryo ng Senado, binasa at ginamit ni Enrile ang notes ni Brady para ibunyag ang backdoor negotiation na isinagawa ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Sinabi naman noon ng senate president na hindi maituturing na sikreto ng estado ang nilalaman ng Brady notes.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Enrile, Kinasuhan sa Ombudsman Dahil sa Brady Notes

  1. Pingback: Enrile, Kinasuhan sa Ombudsman Dahil sa Brady Notes - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.