Enrile, Estrada at Revilla, kinasuhan uli ng Plunder

SINAMPAHAN NA ng kasong plunder ng Ombudsman sina Senador Juan Ponce Enrile, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla.

Kasama ring kinasuhan ng Field Investigation Office (FIO) ng ahensya ang mga empleyado ng pamahalaan at non-governmental organizations (NGOs) at ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles na pawang dawit sa P10 bilyong Priority Developmant Assistance Fund (PDAF) scam.

Bukod sa nasabing kaso, ilang respondents din ang nahaharap sa administrative charges dahil sa serious dishonesty, grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service. Ipinauubaya naman sa Senado ang administrative complaints laban sa tatlong senador.

Ngayong linggo, inaasahang mag-iisyu ng kautusan ang Ombudsman sa mga nabanggit na senador, kay Napoles at 34 iba pang respondents para magsumite ng counter-affidavits at controverting evidence.

Ang FIO ang inatasang magsagawa ng pagsisiyasat sa pork barrel fund scam noong Hulyo 2013 nang simulan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang fact-finding bilang tugon sa ibinulgar ni Benhur Luy.

Samantala, Setyembre 16, unang kinasuhan ng Plunder ng Department of Justice (DOJ) ang tatlong senador kasama ang tinaguriang reyna ng scam na si Napoles.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Enrile, Estrada at Revilla, kinasuhan uli ng Plunder

  1. Dapat lang sana ibitay yan si pogi,tanda at sexy ang mga gaya nila ang isa sa dahilan kung bakit hindi umaasenso ang bansa natin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.