Enrile, Estrada at Revilla, ipatatawag sa DFA hearing

POSIBLE UMANO na sa unang linggo na ng Nobyembre tatalakayin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang usapin hinggil sa kahilingan ng Department of Justice na kanselahin ang pasaporte ng may 37 katao, kabilang ang ilang mambabatas na sangkot sa kontrobersiyal na pork barrel scam.

Kinumpirma ni DFA spokesperson Raul Hernandez na kanila nang napadalhan ng notice ang ilan sa mga dawit para hilingin ang kanilang panig.

Sinabi ng opisyal na mayroong limang araw ang mga ito para magsumite ng written comment.

“We have given them five days after the notice, dapat magbigay ng written comment… After that we will convene para pag-usapan at tingnan yung merits ng report ng DOJ sa 37 individuals,” ani Hernandez.

Kabilang umano sa mga ito sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Juan Ponce-Enrile, at Sen. Bong Revilla na una na ring sinampahan ng kasong plunder hinggil sa naturang iskandalo.

Samantala, tiniyak din nito na kanilang ipatatawag ang mga nasabing mambabatas para humarap sa gagawing pagdinig.

“Batay sa sulat ng DOJ, mayroon pong direktang relasyon ang national security at ang isyu ng korapsyon. Ang korapsyon ay isang national security concerns, so, titingnan po natin ito. Pero bago iyon, kailangang marinig muna natin ang panig ng mga sangkot.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Enrile, Estrada at Revilla, ipatatawag sa DFA hearing

  1. Mukhang balak umalis ni Jinggoy papuntang Amerika. Ang dahilan, kailangan daw ipagamot ang asawa. Sos, nag ala Gloria Macapagal Arroyo. Magaling talagang teacher si Gloria. Dapat, kanselahin na ang passport ni Jinggoy bago makaalis ang magnanakaw na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.