Enrile, Estrada at Revilla, Dapat Suspendihin

PABOR SI Senator Grace Poe-Llamanzares na suspendihin sina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, Senators Jinggoy Estrada at Ramon Bong Revilla Jr. habang hinaharap nila ang kasong Plunder hinggil sa P10 bilyong pork barrel fund scam.

Sinabi ng senadora na chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na naniniwala siya na dapat magkaroon ng suspensiyon habang isinasagawa ang trial bagaman nasa Ombudsman pa lamang ang reklamo at hindi pa naisasampa sa Sandiganbayan.

Ayon kay Poe, nagugulat siya na may ilang opisyal ng pamahalaan na kahit may kinakaharap na non-bailable offense o walang piyansang kaso ay nananatili pa rin sa puwesto.

Kahit aniya charge o reklamo pa lamang ay dapat suspendihin ang isang opisyal mula sa kanyang posisyon.

Hinimok din ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang mga mambabatas na magpahinga muna sa ngalan ng delicadeza.

Apela rin ni Bishop Pabillo, dapat ay magbakasyon ang tatlong senador para bigyang pagkakataon ang patas na pagsisiyasat hinggil sa kinakaharap na Plunder.

Nilinaw pa ng Obispo na bagama’t kakampi ng Simbahan ang tatlo sa usapin ng RH Law ay hindi nangangahulugan na magsasawalang-kibo ang Simbahan sa usapin ng pork barrel fund.

Bukod naman sa nasabing mga mambabatas, kabilang din sa mga sinampahan ng kasong Plunder si Janet Lim-Napoles, na itinuturong mastermind ng pork barrel scam operations, at sina dating Masbate 3rd district Rep. Rizalina Seachon-Lanete at former Apec Rep. Edgar Valdez.

Sa kabilang dako, ipagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon committee ang pagsisiyasat sa dara¬ting na Setyembre 24.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

5 thoughts on “Enrile, Estrada at Revilla, Dapat Suspendihin

  1. Only in the philippines lang yan na kahit nagnanakaw na ang opisyal sinampahan na nang kaso naka upo pa rin sa kanyang pwesto…….nakakalokang pamaraan.

  2. MGA MAGNANAKAW. NAKAKAHIYA KAYO SIGURO KAHIT ANG IMPYERNO ISUSUKA MGA KALULUWA NINYO. PAANO NYO KAYA PINAKAKAIN ANG MGA PAMILYA NINYO NG NAKAW NA DAPAT AY SA MGA WALANG MAKAIN?

Leave a Reply

Your email address will not be published.