Enrile, Balik-Senate President: KIKO PANGILINAN, SUKO NAI

NAISINUKO NA NI Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang laban sa pagiging Pangulo ng Senado, isang araw bago ang pagbubukas ng 15th Congress ngayon. Ayon sa senador, patuloy lang umanong magkakawatak-watak ang Mataas na Kapulungan kapag ipinagpatuloy niya ang kanyang kampanya.

“Much as I would like to go down fighting, I realize that to continue with my bid would keep the Senate fragmented and disunited. The disunity must now end. I believe i can help make it happen by voluntarily stepping aside,” ani Pangilinan sa isang statement kahapon.

“After prayer and reflection, consulting my family and our Senate allies, I have decided to withdraw from the race in order to pave the way for the senators to choose another from our ranks who can unite us,” aniya.

Kasapi ng Liberal Party ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Pangilinan. Ang ilang pang miyembro ng partido sa Senado ay sina Franklin Drilon, Ralph Recto at Teofisto Guingona III.

Aminado si Pangilinan na hindi niya magagawang makuha ang kinakailangang 13 boto para mahalal na Senate president.

“I realize today that there are political realities and developments that prevent us from securing the needed 13 votes resulting in a deadlock or stalemate,” aniya.

“The inability of a majority in the Senate to unite behind one leader does not speak well of the Senate and the individual senators. Sa halip na pagkakaisa ay nagkakanya-kanya. This does not serve the national interest. It is a disservice to our people who want to see in our leaders’ efforts at solving the country’s many problems. Instead they see political maneuvering and posturing,” dagdag pa niya.

Kauganay nito, kumpiyansa naman si independent Senator Vicente “Tito” Sotto III sa panalo ni Senador Juan Ponce Enrile.

“Wala na (makakalaban si JPE). We have decided to give the Senate presidency to the most senior member,” ani Sotto.

Sa palagay rin ni Sotto, ang bagong Senate Majority ay bubuuin ng malawak na koalisyon ng mga independent, mga miyembro ng LP at ng Nacionalista Party ni Sen. Manuel Villar.

“Easily easily from 16 to 18,” ani Sotto sa magiging bilang ng bagong mayorya.

Gayunman, palaisipan pa rin kay Sotto kung sino ang bubuo ng bagong minority group.

Awtomatikong magiging minority leader ang kung sinumang lalaban at matatalo sa Senate presidency, at magiging miyembro nito ang mga susuporta rito.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.