Enrile at Miriam, ‘Di Nagpakita ng Wisdom

HINDI NAMAN tayo nag-elect ng senator para mag-entertain…. Ang verb sa inyo ay to legislate.”
Ito ang inihayag ni UP Professor Clarita Carlos sa inasta at patutsadahan ng mga senador na sina Senators Miriam Defensor-Santiago at Juan Ponce-Enrile sa Senado.
Sa nasabing bangayan ng dalawang mambabatas, “institutional damage” aniya ang maaaring posibleng maging resulta.
Ito ay hudyat aniya ng pagbaba ng tingin ng taumbayan sa halal na opisyal kung saan posible pang makulong ang mga ito matapos maglingkod.
Ang salitang ‘Senado’ aniya ay nag-ugat sa Latin na terminong “senatus” na nangangahulugan ng council of elders na ikinakabit naman sa salitang ‘wisdom’.
“Parang itong dalawang University of the Philippines graduate na ito ay nakalulungkot na parang hindi nagpakita ng wisdom kahapon (Disyembre 4),” pahayag ni Carlos.
Sa halip na idaan sa mga bangayan, dapat dalhin ni Santiago ang kanyang mga akusasyon sa tamang lugar at gawing pormal na kaso.

Bagay aniya na alam nito dahil dati itong Regional Trial Court (RTC) judge.
Sinabi pa ni Carlos na seryoso ang alegasyon ng senadora na smuggler at dinaya ni Enrile ang kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) lalo’t napatalsik si Renato Corona bilang chief justice dahil dito.
Hindi na dapat aniya ito maulit at dapat tumayo bilang “statesman” ang mga nasabing mambabatas na inaasahang “endowed with superior attributes which the lower chamber, because they are fairly young, does not have yet.”
Ang nasaksihan aniya sa Senado ay isang hamon sa lahat.
“You have less than a thousand days to think about what are the right (names) in the ballot. Kayo na ang may kasalanan kung ang ilalagay niyo r’yan ay mga bobo, mga incompetent, mga inept at mga magnanakaw,” ayon kay Carlos.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.