Engkwentro sa Cavite; 2 Patay,1 Sugatan

DALAWA ANG nasawi habang isa ang nasugatan ng makasagupa ng Bacoor PNP ang mga pinaniniwalaang drug pusher sa may bahagi ng Maliksi III, Bacoor, Cavite.

Kabilang sa napatay ang isang kasapi ng PNP na nakilalang si PO2 Aries Lacheca na nagtamo ng bala sa ulo mula sa caliber 45 pistol.

Habang dead on arrival sa Las Piñas Hospital ang tinutugis na tulak ng ilegal na droga matapos makipagpalitan ng putok sa dalawang pulis.

Sinabi ni Cavite Police Provincial Director S/Supt. Alexander Rafael na magsisilbi sana ng warrant of arrest ang dalawang pulis laban kay John John Hernale nang manlaban ito at makipagpalitan ng putok sa mga pulis habang nasugatan naman ang isa pang pulis na kinilalang si PO1 Jorex Gutibman sa isinagawang operasyon.

Samantala, iginiit rin ni Rafael na nagpapatuloy parin ang pagtugis ng mga awtorida laban sa nakatakas na kasamahan ng napatay na salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.