Engkwentro sa Bukidnon: 1 Patay, 3 Sugatan

ISANG MIYEMBRO ng New People’s Army (NPA) ang umano’y namatay habang tatlong pulis ang sugatan sa panibagong bakbakan sa Sitio Liboron, Brgy. Sagaran, Talakag, Bukidnon.

Ayon kay Bukidnon provincial police director S/Supt. Orlando Binas, nakasagupa ng 104th Regional Public Safety Battalion at Talakag Municipal Police Station ang hindi pa mabilang na kasapi ng Front Committee 4-B ng NPA na pinamunuan umano ng isang Kumander Dahon.

Sinabi ni  Binas na kabilang sa mga sugatan nilang kasamahan ay ang isang S/Insp. Baclao, PO1 Mendoza at isang may apelyidong Budiongan.

Kaagad itinakbo ang mga sugatan sa pinakamalapit na ospital.

Samantala, patuloy ang pursuit operation ng pulisya at mayroon na ring ipinadala na reenforcement ang tropa ng militar upang tugisin ang mga tumakas na rebelde.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.