Engkwentro ng Abu Sayyaf at Militar: 16 Patay, 24 Sugatan

UMABOT NA sa 16 ang bilang ng namatay sa nangyaring bakbakan ng militar at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Barangay Tagas sa Patikul, Sulu, Sabado ng umaga.
Sinabi ni WESMINCOM spokesperson Col. Rodrigo Gregorio na mula sa bilang na pito, siyam na ang patay sa panig ng ASG.
Sa kabuuan, 16 na ang bilang ng nalagas na buhay sa engkwentro na nagsimula alas-7:00 Sabado ng umaga.
Tinataya namang 24 ang sugatan sa barilan.
Nakatakdanag magbigay ng military honors mamayang gabi ang WESMINCOM para sa mga namatay na tauhan sa Edwin Andrews Airbase.
Samantala, nakatakdang dalhin muna sa Maynila ang mga labi bago iuwi sa kani-kanilang probinsya.
Maaalala na naganap ang engkwentro habang nagsasagawa ng operasyon ang Philippine Marines Sabado ng umaga para hanapin ang kinalalagyan ng asawa ng kanilang kasamahan na dinukot ng rebeldeng grupo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.