Engkuwentro sa Basilan 2 ASG PATAY, 1 SUGATAN

PATAY ANG DALAWANG miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) kabilang ang lider, habang isa pa ang sugatan nang sumiklab ang engkuwentro sa Basilan kahapon.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Philippine Army Chief, Lt. Gen. Arturo Ortiz , nakasagupa ng mga miyembro ng Scout Ranger ang mga bandido sa bayan ng Tipo-Tipo dakong alas-5:45 ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Patti Kabulot, umano’y ASG leader at Bomboh Indama, umano’y tiyuhin ni Furuji Indama, isa pang lider ng ASG.

Umabot ng 45 minuto ang bakbakan hanggang sa magsitakas ang mga bandido. Hindi naman nakuhanan ng identification cards ang dalawang napaslang.

Narekober ng military sa lugar na pinangyarihan ang isang rocket-propelled grenade na kargado ng bala, dalawang M-16 assault rifles at mga bala, at isang patalim.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.