Engineer, Sugatan sa Ambush sa Tacloban

PINAULANAN NG bala ng dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin ang sasakyan ni Leyte Provincial Engineer Robert Lubnasin habang pauwi ito sa kanyang bahay sa Brgy. 71, Cristina Heights Subd., Naga-naga, Tacloban City kahapon.

Ayon kay S/Supt. Wilson Caubat, Tacloban City Police Office director, sinundan ng mga suspek ang sasakyan ng opisyal sakay ng isang motorsiklo at nang pagdating nito sa tahanan ng biktima ay bigla na lamang pinau-lanan ng bala ang sasakyan ni Lubnasin kung saan nakasakay ang biktima at natamaan ang tiyan nito habang ang driver naman na si Raquel Teyero ay natamaan din ng bala sa baga na tumagos sa panga nito.

Agad namang dinala sa pribadong pagamutan si Lubansin at patuloy pa ring ginagamot.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), dalawang tama ng bala ang nakita sa likod na parte ng sasakyan ng biktima habang walo naman na empty shells ang natagpuan sa pinangyarihan ng krimen. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.