Engineer, patay matapos ang ‘short time’ sa motel

BUTUAN CITY – ISANG engineer ng National Irrigation Administration (NIA) Caraga ang namatay matapos ‘mag-short time’ kasama ang isang babae sa lungsod ng Butuan.

Nakilala ng mga kinauukulan ang biktima na isang alias El Mundo, 60, engineer ng NIA Caraga at residente ng Davao City.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, nag-check-in umano ang engineer kasama ang isang maputing dalaga sa isang lodging house dakong alas-5:20 kamakailan.

Pagkalipas ng dalawang oras, lumabas ang dalaga at hindi sumunod ang nasabing biktima. Naghinala ang attendant ng lodging house na baka nagpaiwan at nagpapahinga lamang ito.

Nang matapos ang short time na tatlong oras, napilitan ang attendant na pumasok sa kuwarto na kinuha ng dalawa. Laking gulat na lamang nito nang makita si El Mundo na nakabulagta at wala ng buhay.

Batay sa inisyal na pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) Butuan, wala aniyang foul play sa pagkamatay ng nabanggit na engineer. Pinaghihinalaan ng SOCO na posibleng nagkaroon ng cardiac arrest si El Mundo.

Hindi pa rin matukoy sa kasalukuyan ang pagkakakilanlan ng kasama nitong babae. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.