Engineer ng DENR, sabit sa extortion

SABIT ANG ISANG engineer ng Department of Environment and Natural Resources matapos ireklamo ng pangongotong ng jeepney operator at driver sa Valenzuela City.

Bukod kay Arnel Lopez, 47, engineer ng DENR, kasama ring ikinulong ang mga kasabwat na sina Rudy Pangan, 59, ng Maligaya Park; Ismael Mateo, 34, ng Sangandaan, kapwa ng Caloocan City; at Romeo Bersano, 29 ng Balintawak, Quezon City at pawang walang trabaho.

Sa ulat, ala-1 ng hapon noong Agosto 18, 2011 nang dakpin ang mga suspek sa Puregold, Dalandanan ng lungsod dahil sa reklamo nina Ligaya Pacuribot, jeepney operator at Joimer Pulosan, jeepney driver.

Bago ang pagdakip, nagsagawa ng smoke belching campaign ang mga suspek kung saan hinihingan ng P500 hanggang sa P2,000 ang mga nasisita.

Nagsumbong sa mga pulis ang mga biktima na naging dahilan upang magsagawa ng entrapment operation na naging dahilan upang dakpin ang mga suspek matapos tanggapin ang P500 mark money mula kay Pulosan. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.